"WHY did you come back?""Aren't you happy to see me?" sagot niya ng hindi tumitingin dito. Abala siya noon sa pagbabasa sa report na natanggap niya mula sa sekretarya.
Mula sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakita niya na napaangat ito mula sa kinauupuan.
"I don't get you, Danny. Ang sabi mo sa 'kin ay nahulog na siya sa iyo. Na mahal ka na niya. So, bakit bumalik ka dito sa Manila kung kailan umaayon na ang lahat sa plano?!" halos pasigaw na sabi nito.
Binitawan niya ang hawak na panulat saka siya sumandal sa kaniyang office chair at tumingin dito. Galit na galit ang mukha nito. "It is my game to play."
Nagsalubong ang mga kilay nito. "Sinasabi mo bang huwag akong makialam?" itinuro pa nito ang sarili.
"What I am trying to say is, just calm down. I know what I'm doing. Kung totoo talaga na nahulog na siya sa akin, anytime soon ay makikita mo na si Dale dito sa Manila."
Bahagya itong kumalma at napaisip sa sinabi niya. "Paano kung hindi?"
Pinagmasdan niya ang mukha nito. Nababasa niya ang galit at sakit sa mga mata nito, dahil katulad niya ay nasaktan rin ito ng husto.
Ibinaling niya ang tingin sa labas ng bintana kung saan nakita niya ang magandang asul na kalangitan. It reminds her of Isla Mujeres...and Dale.
Ilang segundo rin ang lumipas bago niya ito sinagot. "I don't know." sa totoo lang ay hindi niya na alam. Nawala na siya sa huwisyo. Hindi na niya alam ang gagawin kung sakali mang hindi totoo ang nararamdaman ni Dale para sa kaniya.
May isang bahagi rin ng isip niya na nagsasabi na sana ay hindi na nga lang ito muling magpakita pa sa kaniya... Hindi niya alam kung ano at bakit, ngunit para bang masama ang kutob niya....
"Huwag kang mag-alala Danny. Kung hindi ka man magtagumpay ay may naisip na akong ibang paraan para makaganti sa kaniya."
Napatingin siyang muli dito. May pakiramdam siya na hindi niya magugustuhan ang sasabihin nito. Ganoon pa man ay tinanong parin niya si Mark.
"What were you thinking?"
"Ako ang papatay sa kaniya." walang kagatol-gatol na sabi nito. Nakakuyom ang mga palad nito at nakatiim ang mga bagang kaya alam niya na seryoso ito ng sabihin iyon.
"Mark!" napataas ang boses niya dahil sa gulat sa sinabi nito. Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig sa kaniyang ulo at gumapang ang kilabot sa kaniyang buong katawan.
"What? Hindi ba't iyon ang nauna nating plano? Ang patayin siya?" magkasalubong ang kilay na sabi nito.
Sinulyapan niya ang pintuan na malapit sa kaniya. "Lower down your voice." napatuwid siya ng upo. "Ang plano natin ay paiibigin ko siya at pagkatapos ay saka ko siya iiwanan. Sapat na ang sakit na maidudulot noon sa kaniya. Papatayin natin siya sa sakit at sama ng loob. Wala sa usapan natin na ako o ikaw ang kailangang madungisan ang kamay para patayin siya." may diin niyang sabi dito.
Pagak itong napatawa. "At ano pala ang tawag mo sa ginawa mo sa kaniya sa isla?"
Gulat na napatingin siya dito. Nang hindi siya nagsalita ay nagpatuloy ito. "Hindi ba't inumpisahan mo na siyang patayin? Na habang kinukuha mo ang loob niya ay unti-unti mo narin siyang pinapatay?"
Para bang may malaking bikig sa kaniyang lalamunan at hindi niya nagawang makapagsalita. Bumalik sa kaniyang ala-ala ang mga tagpo kung saan wala siyang ibang inisip kung hindi ang makapaghiganti dito. May kung anong gamot siyang inihahalo sa inumin na inaabot niya kay Dale at sa pagkain na pinapakain niya dito. Isa iyong klase ng lason na unti-unting kakalat sa loob ng katawan nito. Ang una nitong pupuntiryahin ay ang atay ng tao na nakainom, hanggang sa maapektuhan narin ang iba pang internal organs. Kapag nagkataon ay hindi malalaman na nilason ito, tanging hepatitis lamang ang lalabas na sakit at sanhi ng magiging pagkamatay nito.
BINABASA MO ANG
Stranger in Disguise (Stranger Series 3)
Romance(R-18) Read at your own risk...😉 ======≠=============== "I never planned to love you, but I'm happy that I did." We all have addiction. Mine, just happen to be Ross Dale Celemente. Hot, handsome, fafalicious and the most yummylicious man on earth...