Chapter 18

922 25 9
                                    


TOTOO nga na kay bilis lumipas ng araw. Halos isang buwan narin pala simula nang makabalik siya dito sa Manila. At hindi niya namalayan na halos isang buwan narin silang magkasama ni Dale.

Yes, si Dale. She sigh.

Who would have thought na makakasama niya ito? Noong umpisa ay akala niya parte lang ng plano niya ang pagsusuko ng sarili niya dito ngunit, sa pagdaan ng mga araw may nadiskubre siya sa sarili.

Hindi niya alam ngunit, pakiramdam niya ay kumpleto siya kapag kasama niya ito. Pakiramdam niya ay ligtas siya at panatag ang kalooban niya. At sa tuwing napapalayo ito sa kaniya ay pakiramdam niya ay kinukutuban siya ng hindi maganda. Palaging balisa ang isip niya na baka may masamang mangyari dito..

Funny, isn't it?

Pero hindi ba dapat ang sarili niya ang tanungin niya? Hindi ba't siya ang gumawa ng masama dito? Hindi ba dapat na sa kaniya ito mag-ingat?

Napabuntong hininga siya.

She misses him a lot.

Kasabay ng paglipas ng panahon ay ang pagbabago rin ng ihip ng hangin at ng isip niya.... Kamakailan lamang ay pinagtangkaan niya ang buhay nito sa pamamagitan ng paglalagay ng gamot sa inumin at pagkain nito, ngunit heto ngayon at nag-aalala na siya para sa kaligtasan nito.

She must be insane...

Of course, nag-aalala siya na baka iba ang makagawa dito ng masama. It should be her. Siya lang dapat ang manakit sa lalaking ito.

Iyon nga ba ang gusto niya?

Of course that's a lie... Ipinilig niya ang ulo at pasimpleng iginala ang paningin sa paligid. Baka akalain ng makakakita sa kaniya ay nasisiraan na siya ng bait. She talks to herself too much...

At heto na nga ang pasaway niyang isip at parang nami-miss na naman niya si Dale.

Is she in love with Dale? Isn't she?

Then bakit siya nag-aalala para dito? Bakit palagi niya itong nami-miss?

Damn, is she?! Ipinilig niya ang ulo para alisin ang kung ano mang iniisip niya ng mga sandaling iyon.

Sinilip niya ang cellphone mula sa bulsa ng suot niyang coat ng maramdaman na nag-vibrate iyon. Napangiti na lamang siya ng mabasa ang text ni Dale sa kaniya.

"I miss u already"

Sinapo niya ang kaliwang dibdib at pinakiramdaman ang nagwawalang puso niya. "Now tell me you're not in love with Dale." Sabi ng munting tinig sa isip niya.

Nakangiti na nag-reply siya dito. "Me too." saka niya muling ibinalik ang cellphone sa bulsa ng coat niya at malaki ang ngiti na naglakad siya pabalik sa kaniyang opisina.

Katatapos lamang niyang mag-round noon sa kaniyang mga pasyente. Bukod sa text ni Dale, ay natutuwa rin siya na maganda na ang naging resulta ng examination ng mga ito. Kahit papaano ay makakabawas iyon sa kaniyang isipin.

Nginitian niya ang kasalubong na Doctor rin sa naturang hospital.

"This is the first time I saw you smile." sabi nito na nakangiti rin sa kaniya.

Naguguluhan na sumagot siya dito. "I often smile."

Nagkibit balikat ito. "I know but not as genuine as now. Iyong ngiti na abot sa mga mata."

"Oh, come on Lesley." banggit niya sa pangalan nito.

Lumapit ito sa kaniya at sinuri ang kaniyang mukha. "Beautiful smile, sparkling eyes, good aura, bright skin and good vibes. Lahat na ng good. In short, blooming ka. Those are signs of a woman being in love." nanunuksong sabi nito.

Stranger in Disguise (Stranger Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon