Chapter 8

1.3K 38 12
                                    

AN: Thank you so much for the inspiration... This whole chapter is for you dear Courtney112797 😍😍

Have fun! 😘😘

================================

PINUNASAN niya ang pawis sa kaniyang noo gamit ang likod ng isa niyang palad. May kainitan talaga sa lugar kung saan sila ngayon nagsasagawa ng libreng konsultasyon para sa mga bata at matatanda. At katulad nga ng kaniyang inaasahan, marami ang pumunta doon para magpakonsulta sa kanila. Lima silang Doctor na nandoon kaya naman hindi pa siya masyadong nakakaramdam ng pagod.

Parang may sariling isip ang kaniyang mga mata na dumako sa direksiyon ni Dale. Abala ito ngayon sa pagbibigay ng libreng pameryenda sa kanilang mga pasyente. Mukha namang nag-e-enjoy ito sa ginagawa nito.

Natutuwa siya dahil pinanindigan nito ang sinabi nito kay Tristan na tutulong ito sa kanilang medical mission. Kahit na nga wala sa itsura nito ang tutulong sa mga ganitong bagay. Kataasan na ang mag-utos ito ng mga tao na sumama at tumulong sa ganito.

Lumingon ito sa gawi niya kaya naman nahuli siya nito na nakatingin dito. Kinindatan siya nito at kamuntikan ng malaglag ang puso niya. Kaagad siyang nag-iba ng tingin. Mabuti na lamang at naka face mask siya at hindi nito nakita ang pagkagat labi niya..

Bathalang mahabagin.. Kay sarap pagnasahan ng lalaking iyon...

Umayos na siya ng upo at inasikaso ang pasyente sa kaniyang harapan. Sinulyapan niya ang hanay ng mga pasyente sa kanilang harapan. Marami-rami rin ang pumunta sa kanilang event na iyon at karamihan sa nakikita niya ay mga binata at matatanda.

Napangiti na lamang siya ng may kumaway sa kaniya. Ang ilan sa mga ito ay kuntodo ang ngiti sa kaniya sa tuwing mapapasulyap siya at ang iba nga ay may pagkaway pa. Mukhang  namang malalakas at walang sakit ang mga ito.

Napalingon siya sa kaniyang tabihan ng may maramdaman siyang naupo doon. Inabutan siya nito ng dala nitong bottled water.

"Have a break, kumain kana muna. Hindi ka na tumayo simula kanina."

Siya lang ba? O sadiyang malambing ang pagkakasabi nito sa kaniya? Para bang isa itong anghel sa kaniyang paningin. "Okay lang, hindi pa naman ako gutom."

Naramdaman niya ang diin ng ipatong nito ang kaniyang inumin sa mesa. "Let's eat first." maawtoridad na sabi nito.

Bosy.

Hindi niya ito nilingon. "Marami pa akong pasyente na kailangang tingnan."

Halos katatapos pa lang niyang tingnan ang isang pasyente ng hawakan siya nito sa kamay saka siya nito hinila papunta sa malaking tent na para sa mga volunteers.

Pinaupo siya nito sa bakanteng mesa kung saan may naghihintay nang pagkain.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Hey, I am not really hun -"

Pinutol nito ang iba pa niyang sasabihin. "Shhh. Just sit and eat this." iniumang nito sa kaniya ang isang jollibee meal.

Lihim siyang natuwa sa tinuran nito.  "Are you concern about me, Dale?"

"Of course."

Shocks! Pwede na ba siyang kiligin?

"Kapag nagkasakit ka mababawasan ang Doctor na titingin sa mga pasyente dito. Mahihirapan rin ang kaibigan kong si Tristan. Kawawa naman ang kaibigan ko."

Tusukin niya kaya iyo ng hawak nitong tinidor? "Eh di sana siya na lang ang dinala mo dito para kumain." inis na kinuha niya dito ang jollibee. "Akin na nga yan!"

Stranger in Disguise (Stranger Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon