Chapter 19

1K 27 10
                                    

*****This chapter is dedicated to jannaleiannerjas ❤️❤️❤️

(P. S. Sorry dear, it's not the other way around coz I'm only using my mobile phone when I'm writing an update.. But still, hope u like this 😍😘)

================================

It was a mess...

Marami na siyang iniisip ng mga sandaling iyon at ayaw na sana niya na madagdagan pa.

Ilang araw narin ang lumipas simula ng mangyari ang pagtatalo sa pagitan nilang dalawa ni Mark at hanggang ngayon ay hindi parin niya ito ma-contact sa telepono nito. Marahil ay naka-blocked na siya sa telepono nito. Posible rin na nagpalit na ito ng numero.

Pinuntahan narin niya ito sa dati nilang bahay, ngunit wala ito doon. Ang sabi sa kaniya ng napagtanungan niya ay matagal na itong hindi tumitigil doon.

Hindi niya tuloy maiwasan na hindi mag-alala para dito.

Sa kabila ng mga sinabi nito patungkol sa kaniya ay nandoon parin ang kaniyang pag-aalala bilang nakatatanda nitong kapatid.

He's still my brother, and he was just mad that day....

Galit lamang ito sa kaniya kaya nito nasabi ang mga bagay na iyon.

Except for one thing....

Ang bagay na sinabi nito patungkol sa totoong nararamdaman nito para sa kaniya.

Napabuntong hininga siya.

Tiningnan niyang muli ang hawak na papel. Nasa kamay niya ngayon ang medical records ni Mark na nakuha niya mula sa Psychiatry Department.

She's still lucky, dahil ang kakilala na si Lesley ang Doctor na tumingin dito.  Tadhana narin siguro na ito ang naging Doctor ni Mark. Mabuti na lamang pala at hindi alam ng huli na magkakilala silang dalawa si Lesley at doon nito napiling magpakonsulta sa kanilang Hospital.

Base sa report na nabasa niya ay matagal na itong pasyente ni Lesley at nasa depression stage si Mark. Maraming bagay itong iniisip and maybe, that includes her. Her selfishness that led him to be like that.

He refused to take antidepressants, at matagal narin itong hindi bumabalik at nagpapakita kay Lesley. He is dealing with his depressions on his own way, and that is by drinking liquor...

Ayaw man niyang isipin ngunit, natatakot siya na baka kung ano ang maisipan nitong gawin sa sarili, o kaya ay kay Dale....

Napasulyap siya sa kaniyang cellphone ng tumunog iyon. It's Dale, who is calling...

Matapos ang pagtatalo nilang dalawa ni Mark ay nagpasya rin siya na lumayo na muna pansamantala kay Dale. Mark could be anywhere at hindi ito ligtas dito. At mas lalong hindi ito ligtas sa piling niya. Baka siya lamang ang magdala dito sa kapahamakan at hindi niya kayanin kapag may nangyari dito na masama.

Dinampot niya ang nag-iingay na telepono saka iyon inilagay sa kaniyang bulsa. Umahon siya mula sa pagkakaupo at saka niya dinampot ang kaniyang bag.

She must avoid this man, in the mean time...hanggat hindi pa niya nakakausap muli si Mark.

Habang papunta siya sa parking area ng hospital ay wala ring humpay sa pag-iingay ang cellphone niya.

He's not giving up..

Oh boy. I said I wanted to be alone. I wanted to think!

Pero matigas nga siguro ang ulo niya at makulit ang puso niya, dahil hindi niya kayang pigilan ang kung ano mang nararamdaman niya para kay Dale.

Stranger in Disguise (Stranger Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon