Chapter 5

1.4K 45 4
                                    

FIVE ...

Four...

Three...

Two...

One...

Bingo! Lihim na nagdiwang ang puso niya pagkakita kay Dale na pumasok sa kaniyang shop. Naramdaman rin niya ang bahagyang pag-iba ng tempo ng tibok ng kaniyang puso nang sumulyap ito sa gawi niya. Gusto tuloy niyang batukan ang sarili dahil nahuli siya nito na nakatitig dito.

Katulad ng dati ay dumiretso kaagad ito sa helera ng mga bulaklak at pumili ng mga gusto nito para sa flower arrangement.

Nangalumbaba siya sa kaharap na table ng counter. She almost rolled her eyes on him. As usual, mga rosas na naman ang pinipili nito. At kanino naman kaya nito ibibigay ang bouquet this time? Grrrr!!!!

Napabuntong hininga na lamang siya. Anyway, she doesn't care anymore kahit kanino pa nito ibigay ang mga bulaklak. She pouted her lips, na para bang nalugi siya sa lotto.

Napasulyap siya sa ibang customer na tahimik na namimili ng ibang paninda sa loob ng shop. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Malayong-malayo ang itsura ng shop sa kaniyang opesina sa hospital. Sa tingin niya ay nami-miss na niya ang kaniyang trabaho. Kahit naman hindi talaga iyon ang propesyon na gusto niya ay natutunan na rin naman niya iyong mahalin. It's so nice to save lives.

Napabuntong hininga na lamang siya ulit at inilibot ang mga mata sa shop kung saan siya ang nagbabantay. Yes, she was suspended for one week, but she decided to take a break and filed her leave of absence for three months. Tatlong buwan ang ibinigay niyang palugit sa sarili para maisakatuparan ang matagal na sana niyang ginawa. Iyon ay ang maging parte ng buhay ng lalaki na ngayon ay kaniyang tinitingnan.

Ross Dale Clemente....

Halos dalawang linggo narin ang nakalilipas simula ng mangyari ang insidente sa pagitan nilang dalawa ni Dale. At hanggang ngayon ay patay malisya parin siya. Actually, silang dalawa. Hindi naman kasi sila nito nag-uusap. O, mas tamang sabihin na walang may gusto na pag-usapan nila iyon.

Hindi ba dapat ito ang nauuna na kumausap sa kaniya?

Well, pwede naman na ako ang mauna...

Ngunit paano nga mangyayari iyon gayong masyado itong abala sa pagbibigay ng bulaklak sa kung sino-sino?! Simula ng dumating siya sa isla at magbantay ng shop, ay halos araw-araw rin itong bumibili ng bulaklak sa kaniya. Araw-araw rin siya nitong dini-deadma. At araw-araw nawawasak ang puso niya.

Oh, well. Ngumingiti naman ito sa kaniya, 'yun nga lang ay hanggang doon lamang iyon.

Wala ba itong balak kumustahin siya matapos nitong panggigilan ang mga labi niya? Tsk.

Wala sa sarili na napatingin siya sa mga labi nito. Damn..those sexy lips... Napatuwid siya ng tayo ng lumingon ito sa direksiyon niya. Mabuti na lamang at nag-iba kaagad siya ng tingin.

Ilang sandali pa ang lumipas at natapos na ito sa ginagawang pamimili ng mga bulaklak. Dinala na nito sa kaniya ang mga napiling bulaklak para maisama sa gagawing arrangement.

Padabog na inabot niya dito ang mga bulaklak saka nag-umpisa ng ayusin ang mga ito. Putulin niya kaya lahat ng ito?! Or, itapon sa dagat baka sakaling magkaron ng water lily!

Sobrang layo ng pagiging Flourist sa kaniyang propesyon bilang Doctor. She used to operate people and not to arrange some damn flowers for some random girls! Pero ang bagay na iyon ay nagawa niyang pag-aralan para mapalapit lamang kay Dale.

Stranger in Disguise (Stranger Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon