Chapter 4

1.4K 46 0
                                    


Dale's POV

NATATANDAAN kaya siya nito?

Iyon kaagad ang nauna niyang naisip ng magtagpo ang kanilang mga mata. Wala siyang nabasa na emosyon sa mga mata nito kaya naman hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Danny.

But, one thing is for sure.. He is still affected by her presence... She's still stunning as ever. Sa isip-isip niya habang nakatingin sa magandang mukha nito.

Malakas siyang napamura sa isip. Natutuwa siya na makitang muli si Danny, ngunit hindi sa ganitong sitwasyon. At hindi sa ganitong iba ang kalagayan nito.

Malakas ang kutob niya na nakainom ito ng inumin na may halong gamot. Mababakas iyon sa itsura ng mapupungay nitong mga mata. Mabuti na lamang pala at sinundan niya ito. Kung hindi ay baka kung ano nang masama ang nangyari dito.

"P-put me down."

Sinulyapan niya ang buhat-buhat na si Danny. "No." inis na sabi niya dito. "Sa kondisyon mong 'yan ay hindi mo kakayanin na maglakad."

Bakit ba ang tigas ng ulo nito? Paluin niya kaya ito?

"What do you know about my condition?" naniningkit ang mga mata na tanong nito. Nagagawa parin nitong maging makulit sa kabila ng kalagayan. Marahil ay hindi naman ganoon karami ang nainom nitong alak.

"I can tell just by looking into your eyes." lihim siyang napangiti ng pilit nitong nilalaban ang pagpikit ng mga mata.

"Ahh, it's hot. Bakit ang init?" halos pabulong nitong sabi.

"Don't worry, ako lang iyon. I'm hot like that." natatawang sabi niya dito. Sa tingin niya ay umeepekto na ang gamot sa katawan nito. At anumang oras ay baka naisin na nitong magtanggal ng soot na damit.

Napalunok siya ng bahagya nitong itaas ang soot na damit. Hindi sinasadiya na nasulyapan niya ang dibdib nito. Woahh.... Kalma lang manoy. "Mamaya kana maghubad baby, kapag tayo na lamang dalawa. I don't want them to see what's mine." shit! Parang pati ata siya ay iniinitan narin.

What the he-! Did he just say it? Oh, man, I sounded like a pervert old man!! Shit!! Lagot ako nito kay Lola kapag nalaman. Sabi niya sa sarili.

Sinulyapan niyang muli ito. Nakahinga siya ng maluwag nang mukhang hindi naman nito pinansin ang sinabi niya.

Nagmadali na siya sa paglalakad at dinala ito sa pribadong silid ng pinanggalingan nilang Bar kanina. Isang malapit na kaibigan ang may-ari ng naturang Bar kung saan siya ngayon naglalagi. Doon siya dumiretso pagkagaling sa opesina para sana uminom at magsaya, ngunit nawala na siya sa huwisyo ng makita niya si Danny kanina.

Yes, kilala niya ito. Who wouldn't? Isa ito sa mga campus crushes sa unibersidad na pinanggalingan niya.  At isa pa, katulad niya ay isa rin itong  Dean's Listers noong nag-aaral pa lamang sila. And not to mention, isa na rin itong matagumpay sa napili nitong propesyon ngayon.

Maingat niya itong inilapag sa kama. Nang makita na maayos na ito ay dumistansiya siya rito at pinagmasdan ito mula sa kinatatayuan niya.

Dati ay maganda na ito, ngunit mas gumanda pa ito lalo ngayon sa kaniyang paningin. Napatagal ang titig niya sa mapupula nitong mga labi. Para bang kay lambot ng mga labi nito. Natutukso tuloy siyang subukan..

No, I should not take advantage of her.

He smirked. Hindi niya akalain na magku-krus muli ang kanilang mga landas matapos ang ilang taon...

Nagulat siya ng bigla na lamang itong bumangon mula sa pagkakahiga at lumapit sa kaniya. Napasinghap siya ng sinapo nito ang mukha niya at lumingkis sa kaniya saka nagsumiksik sa kaniyang leeg.

Stranger in Disguise (Stranger Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon