"I'M SORRY."Boses iyon ng babae. Hindi niya mawari kung sino, ngunit sigurado siya na kilala niya iyon.
She's already awake, ngunit parang walang lakas ang katawan niya na gumalaw, o ang mga mata niya na magmulat man lang. Pakiramdam rin niya ay pagod na pagod ang katawan niya.
"Mom?" Halos pabulong na tawag ng kung sino.
"Rachelle, let's wait for your sister to wake up." Sagot ng tinawag nitong 'mom'.
Rachelle? Her sister? And her step-mom too?
Why are they here?
She doesn't know if she's dreaming or not. Pero malinaw niyang naririnig ang pag-uusap ng mga ito, kaya alam niya na hindi iyon isang panaginip lang.
Sa wakas ay nagawa na niyang imulat ang mga mata. Ang bumungad sa kaniya ay ang puting-puti na kulay ng kisame.
Nasa hospital nga siya..
Inilibot niya ang paningin sa paligid. Wala na doon ang dalawang tao na naririnig niyang nag-uusap kanina lamang. Ang tangi niyang nakita ay ang pulang rosas na nakalagay sa plorera at prenteng nakapatong sa ibabaw ng mesa, 'di kalayuan sa kinahihigaan niya.
Noon lamang niya napansin na mayroon palang swero na naka-kabit sa kamay niya.
Maliwanag pa noon ang sikat na nanggagaling mula sa labas ng bintana, marahil ay maiksing oras lamang siya nakaidlip.
Tinangka niyang bumangon, ngunit nabigo siya. Para kasing may mabigat na nakapatong sa katawan niya at pinipigilan siyang bumangon.Nang bumukas ang pintuan ng kaniyang silid ay iniluwa noon ang kapatid na si Rachelle at ang step-mom niya.
"Ate Danny!" Humahangos na lumapit ito sa kaniya.
Hinaplos siya nito sa pisngi. "How are you feeling?"
"I'm too tired." sagot niya rito.
Tinulungan siya ng kapatid na iangat ang ulunang bahagi ng hinihigaan niya. "Thank you."
Napansin niya na bahagyang namumula ang mga mata nito. Mukhang galing ito sa pag-iyak.
"Did you cry because of me?" Natatawa niyang tanong dito.
Malungkot itong tumango sa kaniya.
"Don't worry, I was just too tired." Hinaplos niya ang buhok nito. "You know, Doctors need to rest too."
Natahimik siya at bumalik sa kaniyang ala-ala ang naging operasyon ni Dale.
"Ate-"
"Dale," nilingon niya ang mga ito. "How is he? Did he wake up?" Sabik niyang tanong sa mga ito.
Hinawakan ng kapatid ang isa niyang kamay. Tiningnan niya ito at parang hindi niya nagugustuhan ang pananahimik ng mga ito. Hindi niya tuloy maiwasan na hindi makaramdam ng kaba.
Nagpalipat-lipat ang mga mata niya sa dalawang kaharap. "P-please, tell me he's okay." Nag-uumpisa ng humapdi ang kaniyang mga mata, dahil sa nagbabadiyang pagpatak ng mga luha.
"Ate, please calm down. K-kuya Dale...he's fine. N-nagising na siya kanina, pero nakatulog rin kaagad. But the Doctor said, he's fine."
Napapikit siya at nakahinga ng maluwag dahil sa narinig. "I knew he could make it. Thanks God."
But still, something feels off. Kung nagising na si Dale, ay bakit pakiramdam niya ay may bumabagabag pa sa mga ito?
Hindi na siya nakatiis. "What is it that you want to tell me?"
Mukhang nagulat ang dalawa at hindi inaasahan ang sinabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/145678822-288-k72485.jpg)
BINABASA MO ANG
Stranger in Disguise (Stranger Series 3)
Romance(R-18) Read at your own risk...😉 ======≠=============== "I never planned to love you, but I'm happy that I did." We all have addiction. Mine, just happen to be Ross Dale Celemente. Hot, handsome, fafalicious and the most yummylicious man on earth...