Chapter 1: Tears

11.6K 184 46
                                    


Tears

+++++

Rinig na rinig ko ang agos ng ulan, kasabay nito ang malakas na kulog sa kalangitan. Minsan iniisip ko na ako nalang sana ang ulan at kidlat Dahil kung pwede akong magalit maari lang akong magpalabas ng galit gamit ang kidlat. At kung gusto ko namang umiyak, maari lang akong magpalabas ng napakaraming ulan na nagsisimbulo ng aking pagtangis.

Kasabay ng patak ng ulan ay rinig na rinig ko rin ang sigawan sa loob ng kwarto namin. Ayuko mang pakinggan pero hindi ko magawa. My husband is having a sex with another girl in our house. Hindi na niya nirespeto ang pamamahay namin. Nakakatawa, kung ako nga hindi niya magawang respetohin itong pamamahay pa kaya.

"Fuck! Say my name again! I'm cumming!"

"F-aaaaster W-william"

Nasasaktan ako. Oo hindi ko yon matatanggi dahil sino ba namang asawa ang hindi masasaktan kapag malaman at marinig mo na may ginagawang milagro ang iyong asawa sa loob ng bahay niyo. Gusto kong magwala, gusto kong sugurin pero hindi ko magawa. Gusto kung sumigaw pero wala akong magawa. Alam ko na gumagawa sila ng milagro sa loob pero heto ako ngayon sa tapat ng kwarto namin umiiyak habang nanlulumo dahil sa sakit.

Kahit na masakit ay pinilit kong lumayo sa kwarto namin kahit na nanginginig ang aking tuhod para lang huwag makagawa ng ingay para hindi sila maistorbo.

Gusto kong kumuha ng tali at ibitay ang katawan ko patiwarik. Gusto ko ng mamatay dahil pagod na pagod na ako sa buhay. Paulit ulit niya nalang akong sasaktan. Paulit ulit ko rin siyang patatawarin kahit masakit na masakit na. At siguro kahit mamatay man ako ngayon, makakapag pahinga na ako pero habang buhay ko parin dadalhin ang sakit sa puso ko. At kung mamatay man ako, madadamay siya. Madadamay ang kaawa awang bata na nabubuhay sa aking sinapupunan.

"Baby, kapit kalang ah. Mahal na mahal kita." sabi ko habang hinahawakan ang aking tiyan.

Biglang tumahimik. Siguro ay tapos na. Nakaabot na sila sa kalangitan. Dali dali akong nagtago ngunit huli na dahil nabuksan na ng babae ang pintuan ng kwarto namin.

Gulat na napatingin ang babae sa akin habang inaayos ang kanyang kasuootan. Matapos niya ako tignan ay ngumiti lang ito ng nakakaloko.

"Hindi mo naman sinabi William na nag hire ka pala ng maid. Nakakahiya tuloy narinig niya." Ani babae habang natatawa.

Ibinaling ko ang tingin ko sa aking asawa na ngayon ay kasulukuyang sinasarado ang zipper ng kanyang pantalon. Matapos non ay tumingin siya sa akin at tila naiinis na naiinip. Bakit siya pa ang may gana magalit? Kung tutuusin ako sana ang magagalit dito.

"Sa susunod babe, mag sabi ka na may tao sa bahay para ba naman mahinaan natin ang boses natin. Nakakahiya sa maid or whatever her name is" Ani muli ng babae.

Maid? Talaga ba? Mukha ba akong maid? Siguro oo nga.

Nagkatitigan lang kami ni William. Hindi niya ako pinansin. Sinuot niya ang kanyang white t-shirt at lumabas ng kwarto namin.

"Don't mind her. She's just my wife. Halika na. Ihahatid kita palabas." Ani asawa ko.

Tumingin ang babae sa akin at tila ba nabigla sa sinabi ng asawa ko. Oo asawa niya ako miss hindi maid. Asawa niya lang ako! Ang sakit. Parang libong libong punyal ang tumarak sa akin. Sobra pa to sa taong namatay. Masakit.

Gusto ko ng sumuko, gusto ko ng umalis at iwan siya pero hindi ko kaya. Mahal na mahal ko siya. Nanumpa kami sa altar na sa hirap at ginhawa patuloy ko siyang mamahalin at susuportahan sa anumang bagay na gusto niya. Pumikit nalang habang umaagos ang mga luha sa aking mga mata. Ayuko ng maranasan ang ganitong sakit.

Tears Of Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon