Chapter 9: Lies

7.1K 112 20
                                    

Lies

+++++

"When you love someone no matter how bad you get treated, you would still choose to stay."

Parang natamaan ako sa quote na ito. Parang ako kasi. Kahit anong itrato ng  asawa ko ay nandiyan parin ako sakanyang tabi at hindi siya iiwanan.

Matapos niyang magtrabaho ay dumaretso kami sa isang restaurant para kumain ng hapunan. Sabi niya kasi na wag na raw ako mag luto dahil gabi na at mapapagod pa ako kapag nag luto pa. Kaya nag pasya siya na sa labas nalang kami kakain.

Ni-log out ko na ang facebook ko ng makita ko ang asawa ko na papalapit na sa pagitan ng inuupuan ko.

"Heto, kain na tayo." Sabi niya habang sine-serve na ang ulam namin.

"Para sayo pala." Sabi niya at nilahad ang bulaklak na puno ng tsokolate. Nabigla ako dahil sa ginawa niya pero nakangiti lang siya.

"Tanggapin mo asawa ko, lumabas ako para diyan hahaha. Kain na tayo!" Aniya sabay kindat.

Natatawa din ako. Bakit parang ang sweet niya ngayon. Dapat naba ako masanay dahil sa mga ginagawa niya? Dapat ako maging masaya diba? Dahil nag iba na ang kanyang ugali? Na lasing lang nag iba na. Kung alam ko lang, sana dati pa nilasin ko na ito. Joke lang. Sana lang talaga mag tuloy tuloy na ang sayang nararamdaman ko.

Pinagmasdan ko muli siya at kumaikain na siya. Kaya kumain narin ako.

Habang kumakain kami ay may biglang tumawag sa cellphone niya. Tinignan niya ito at biglang nag iba ang awra niya. Nakakunot ang noo nito. Hindi ko makita dahil nasa pagitan niya ito. Akala ko ay sasagutin niya ngunit pinatay niya lang.

"Istorbo." Mahinang sabi niya pero narinig ko.

Sino kaya ang tumawag? Bakit ako nagiging ganito? Bakit parang nagtataka ako kapag may tumatawag sakanya? Dapat nasanay na ako nito. Dahil dati wala nga kaming paki alaman. At saka businessman ang asawa ko. Malamang maraming tumatawaga sakanya.

"Bukas, punta tayong Seven Seas." Sabi niya. Nabalik ako sa wisyo dahil sa sinabi niya.

"Bakit?" Wala sa sarili kong tanong. Pipigilan ko sana pero wala na, huli na.

"Maligo. Summer naman. At date narin tayo." Ngiti niyang sabi.

Tumango nalang ako at wala ng ibang sinabi. Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko.

"Yung tumawag, client ko yon." sabi niya na ikinabigla ko. Hindi ko naman tinatanong pero sinabi niya sa akin.

Ngumiti lang ako at pinagpatuloy na ang pagkain. Ewan ko bakit parang wala ako sa mood na magsalita ngayon. Ang bigat ng pakiramdam ko na hindi ko maintindihan.

Nang matapos na kaming kumain ay nagkwentuhan pa kami tungkol kay mama. Kung okay lang ba siya, o gusto niya ba raw na pumunta kami magkasama. Sumang ayon naman ako sa sinabi niya. Tama lang na pumunta din siya doon upang makilala din siya ni daddy ng personal. Matapos non ay napagpasyahan naming umuwi na.

"Alam mo love, napapansin ko parang tumataba ka." Sabi niya habang papalapit kami sa kotse niya.

Kinabahan naman ako doon. Talaga ba? Tumataba ba ako? Nahahalata niya na ba na buntis ako? Sasabihin ko ba? Paano kung hindi siya maniwala na anak niya 'tong dinadala ko sa sinapupunan ko? Ayuko muli ma judge. Nakakapagod na.

Napangisi lang siya habang inaalalayan ako sa front seat. Binuksan niya ang pintuan nito at pinasakay ako. Kasunod naman nito ay siya.

Nang makapasok na siya ay tinignan lang ako nito sabay halik sa labi. "Alam mo, kahit tumaba kapa. Mahal parin kita. Kaya wag kanang magulat at mag alala diyan. Kasi ang lalaking kaharap mo ay baliw na baliw sayo. Kaya wala kang dapat ipag alala." Sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Tears Of Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon