Season 2

7.1K 115 5
                                    

Season 2

++++++

Oras na para tapusin ang sakit. Oras na para kalimutan ang pait ng nakaraan. Oras narin para mabuhay sa bagong kabanata. Sana naman masaya na.

Sa lahat ng mahal, minahal at mamahalin ko pa. Patawad ngunit ako'y lilisan muna dahil pagod na ang aking puso. At sa aking pagbabalik, sisiguraduhin ko na ibang Isabel na ang inyong mahaharap.

Mas malakas, matigas at hindi basta basta natutumba ng ano mang trahedya.

Kahit masakit, ay kailangan kalimutan upang makapunta sa sumusunod pa na Kabanata.

"Nagmamakaawa ako Isabel. S-sorry! Wag mo akong iwan. Hindi ko kaya na wala ka sa buhay ko. M-mag babago ako" Aniya  habang umiiyak at lumuluhod.

Ngunit huli na. Napagod na ang puso ko. Wala ng maiibigay pa ni katiting na pagmamahal. Pasensya narin kung hindi ko na kaya. Itinayo ko siya at ngumiti. Kahit masakit.

"Kayanin mong mabuhay na wala ako. Dahil kakayanin kong mabuhay na wala ka. Na wala kayong lahat. Pipilitin kong mabuhay para sa sarili ko. Wag kang mag alala, babalik ako... Para sa annulment natin." Sabi ko at tumalikod na kasama ang aking dalawang maleta.


Ngayon, lilisanin ko na ang pilipinas. Mabubuhay na walang nagmamahal kundi ang sarili ko lang. Lilisanin ko ang lugar kung saan ang masasakit na aking natamo. At sana sa aking pagbabalik ay magaling na ang aking puso.


Pagpapahingahin ko muna ang pusong nasaktan masyado. Kailangan kung lumisan dahil kapag hindi, ay patuloy lang ako makukulong sa galit at sakit ng nakaraan. At katotohanan.


Tinignan ko ang oras at napagtanto kung flight ko na. Wala na, oras na talaga. Oras na para kalimutan ang lahat.


"Isabel! Nagmamakaawa ako, wag mo naman gawin 'to." Sigaw ng taong minahal ko dati.

Kung dati ay masisiyahan ako pero bakit ngayon ay hindi na? Siguro nasagad na. Siguro napagod. Hindi ko siya pinakinggan at pumasok na sa airplane.



Paalam pilipinas. Paalam at salamat sa mga masasakit na naramdaman ko. Ngayon, magbabagong buhay ako upang mabuhay kasama ang sarili ko lamang.


Mommy, daddy, anak. Wag kayong mag alala. Gagawin ko ang lahat maging proud lang kayo sa akin.



Mahal na mahal ko kayo. At sana mahal niyo rin ako. Dahil kahit wala na kayo ay mahal na mahal ko parin kayo.


Kung tatanungin niyo ako na may pagmamahal paba ako sa aking asawa? Hindi ko masasagot yan. Dahil ngayon?



Pagmamahal nalang para sa sarili ko ang meron ako.






Kaya paalam. Hanggang sa muli nating pagkikita.

Tears Of Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon