Chapter 13: Simula ng Kabanata

8.2K 125 9
                                    

Simula ng Kabanata

++++++

His Pov

"Unaawin mo narin ang asawa mo. Malamang nasaktan 'yon dahil sa todo ng sakit na naramdaman niya. Kaya nakapag desisyon siya na iwan ka."

Malamang. Tama naman si Ashley sa sinabi niya. Maaring nasagad narin ang asawa ko kaya umalis siya. Mahal na mahal ko siya at handa akong patunayan sakanya 'yon.

"Hindi ko naman sinasadya ang ginawa ko noong araw nayon. H-hindi ko rin alam na buntis siya sa akin. H-hindi lang din naman siya ang nawalan. Ako rin. Anak ko rin naman yon." Sabi ko sa kaibigan niya pero sinampal lang ako.

"Gago ka pala! Kahit hindi mo alam, hindi mo dapat ginaganon ang asawa mo. Alam mo ba na asawa mo 'yon? At alam mo ba ang kasabihan na ang totoong lalaki ay hindi nanakit. Pero ikaw puta ka. Mapanakit ka grabe. Kaya hindi ko masisisi na iwan ka ng kaibigan ko. Gago ka eh." Aniya at paulit ulit na pumasok sa aking isipan ang kanyang sinabi.

Naalala ko pa ang pagdurusa ko na wag niya akong iwan pero iniwan niya parin ako. Inaamin ko, kasalanan ko naman talaga lahat. Sana hindi nalang nangyari ang mga 'yon. Sana hindi nalang ako pumayag at sana hindi nalang ako nakipagkita pa kay Kathleen. Edi sana ngayon, nasa tabi ko pa siya.

Hindi ko rin siya masisisi na napagod na siya sa akin. Na ayaw niya. Napagod na siya sa pagmamahal sa akin. Wala eh, gago kasi ako. Kaya ganito.

Sanay naman akong iwan. Unang minahal ko iniwan ako, mga magulang ko iniwan rin ako. Pero si isabel iba. Masakit, may kirot. Para bang hindi ko mahulaan ang buhay ko kapag wala siya.

Ang taong walang ginawa kundi minahal ako ay sumuko na sa akin. Kasalanan ko. Putangina kasalanan ko. Yung ginawa ko sakanya hindi ko naman ginagawa 'yon sadyang nadala lang talaga ako ng init sa ulo.

At ang masakit. Ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ng anak namin. Totoo naman, dahil kung hindi ko siya tinulak noong araw na 'yon ay hindi mangyayari ang iyon. Napaka tanga at bobo ko na hindi ko maintindihan ang pag ibig niya sa akin. Wala naman siyang ginawa kundi ang mahalin lang ako.

Inaamin ko, wala na talaga akong gusto kay Kathleen. Simula ng mahalin ko si Isabel ay nawalan narin ako ng interest da babaeng unang minahal ko. Sumama lang ako sakanya sa Canada parin makita narin ang mommy niya at para masabi na wala na talaga kami ng anak niya. At sana matanggap niya iyon.

Pero hindi ko na masabi dahil pagdating namin doon ay nawala na ang mommy niya. Nasaktan siya pero hindi ko inisip na nasasaktan din pala ang asawa ko.

Pero mali ako, gago ako dahil sa ginawa kong 'yon lalong nagkahiwalay kami. Lalo siyang lumayo sa akin.

Totoo naman, dahil kung gusto may paraan pero kung ayaw maraming dahilan.

Totoo namang nawala ang phone ko ng mga araw na iyon at hindi ko alam kung nasaan. I tried to contact her in our branch sa Cebu pero nagmamadali si Kathleen ng mga panahon nayon dahil inatake raw ang mama niya. But nag nahingi parin ako ng pabor sakanya na pumunta kami kahit saglit lang. Sumang ayon naman siya.

Pagkadating ko sa opisina ay kaagad ko ring tinawagan si Isabel pero hindi siya sumasagot. Ring lang ng ring phone niya pero walang sumasagot. Kaya napahdesisyonan ko na tawagan ang secretary ko. Sinabi ko sakanya na kapag pupunta ang asawa ko diyan eh wag niya muna sabihin na aalis ako papuntang Canada dahil gusto ko ako ang magsabi. Sumang ayon naman siya.

Gumaan ang loob ko sa mga oras na 'yon. Kahit hindi ko pa siya na co-contact ay tinawagan ko parin siya pero bigo ako. Wala talagang sumasagot. Kaya wala akong nagawa at pumunta na kami ng Canada ni Kathleen dahil sinusumpo na raw talaga ang mommy niya.

Tears Of Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon