Chapter 17: Lies

6K 148 26
                                    

Lies

WARNING: RATED SPG (READ AT YOUR OWN RISK!)

+++++

Third Person POV

Isabel admit it that she was wrong. Nadala lang siya ng kanyang emosyon kaya nasabi niya ang mga masasakit na salita.

Ngunit wala na siyang magagawa pa. Nasabi niya na at tila ba nasaktan pa ang kanyang asawa dahil sa mga sinabi niya.

Gabi na at hindi pa umuuwi si William sa hotel na tinutuluyan nila ngayon. Matapos kasing ihatid ito ni William ay kaagad din namang umalis ito. Hindi niya alam kung saan.

Tinawagan niya ito ngunit nag ri-ring lang ang phone at hindi ito sinasagot. Bigla namang kumirot ang puso niya dahil naalala niya na naman ang nakaraan. Pamilyar at sariwa pa ang nakaraan para sa kanya.

Hindi niya namalayan na may tumulong luha sa kanyang mga mata habang tinatawagan ang kanyang asawa. Nang maramdaman niya ito ay nagtaka siya dahil hindi niya alam kung bakit siya umiiyak.

Hindi niya parin ito sinusukuan kahit na hindi ito sumasagot. Pilit parin niya itong tinatawagan kahit na hindi sumasagot. Naka isang daan na ata siya sa pagtawag pero hindi parin ito sumasagot. Pero hindi rin naman siya nawawalan ng pag asa na sasagot ito.

Mga ilang minuto ang nakalipas at wakas ay sinagot na ito ng kanyang asawa.

"Hello, William asan ka?" Tanong kaagad ni Isabel sa kabilang linya.

"Shino t-to?" Sagot naman ng kanyang asawa. Naipikit na lamang niya ang kanyang mga mata at sabay hinilot ang sentido dahil sa iritasyon. Alam niya kasing lasing na naman ang kanyang asawa dahil sa tuno ng pananalita.

"This is Isabel. Where are you? Gabi na." Sigaw ni Isabel dahil sa iritasyon.

Kaagad namang tumahimik ang paligid. At narinig niya ang buntong hininga ng kanyang asawa bago siya sagutin. "B-bar. W-ag mo na akong hanapin" Matapos non ay kaagad ng nawala ang linya.

Naiinis si Isabel dahil pinutol ang linya. At naiinis rin siya dahil hindi niya kabisado ang lugar at hindi niya rin alam kung saang Bar nagpunta ang kanyang asawa.

Kahit inis na inis siya ay bumaba siya sa upang hanapin si William. Nagtanong muna siya sa Information Area ng hotel kung may bar dito? Kaagad naman siyang tumango at iginabay siya sa bar na sinasabi niya.

Nang makarating sila ay inilibot niya ang kanyang paningin, ngunit nabigo siya dahil walang William Ford sa loob ng Bar.

Nagtanong siyang muli kung saan ang malalapit na bar sa hotel na tinutuluyan nila. Kaagad namang nagsulat ang babae at ibinigay sakanya. Naglalaman ito ng mga adress ng bar. Naluna siya dahil mahigit sa sampu ang bar malapit sa hotel. Pero wala siyang ginawa kundi tignan ito isa isa at hinanap ang kanyang asawa.

Pero nabigo siya dahil wala ni anino ng kanyang asawa ang nakita. Ngayon ay isang bar nalang hindi niya napupuntahan at natitiyak niya na nandoon sana ang kanyang asawa. Ipinikit niya muna ang kanyang mata bago pumasok sa bar na iyon.

Muli, ay nilibot niya ang kanyang paningin at napagtanto nga niyang tama siya. Dahil doon sa bar na iyon ay nakita niya ang kanyang asawa na nakakulay puting shirt at pantalon habang natutulog at nakapaligid ang napakaraming bote ng alak.

Nilapitan niya ito at natiyak din niyang natutulog na ito ng mahimbing. Lasing na lasing talaga ang kanyang asawa. Tinignan niya ito at may nakita siyang luha. Luha na bumabagsak sa kanyang mga mata.

"W-wag mo akong iwan." Sabi ng kanyang asawa habang natutulog.

Hindi niya batid pero natamaan siya sa sinabi ng asawa. Pinahiran niya ang luha at inalalay niya ang kanyang asawa papuntang hotel.

Tears Of Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon