Bye, Forever
++++++
Nasa departure area na kami at nag aantay nalang kami na tawagin ang pangalan namin upamg makapasok at makauwi na papuntang Pilipinas.
Walang imikan naman kami ni William. Seryoso lang siyang nakatingin sa malayo. Napakatahimik niya at tila hindi niya ako kinakausap. Kung hindi ako unang magsasalita ay hindi siya magsasalita. Nakakapanibago lang.
Nasaktan ko ba talaga siya sa ginawa ko? Mali ba ako? Mali ba akong piliin ang sarili ko? Mali ba ako na pinoprotektahan ko lang ang sarili ko sakanya? Mali ba ako?
"Love, okay kalang?" Tanong ko sakanya na ikinabigla niya naman. Sumilay ang ngiti sakanya ngunit kaagad ring nawala.
Siguro naalala niya ang sinabi niya kanina na mag panggap kami muna hanggang hindi pa kami nakakalapag sa pilipinas. Sumang ayon naman ako sa hiling niya dahil dapat lang. Sa mga kabaitan ba naman niyang ipinakita sa akin. Dapat lang talagang pagbigyan ko siya.
Tumango lang siya sa akin ang ngumiti ng kaunti. Matapos ay idenektara niya nanaman ang kanyanh tingin sa malayo.
Kahit sa tanang buhay ko, hindi ko nakita si William na malungkutin. Hindi bagay sakanya.Ano ba ang dapat kung gawin to make him feel better? Dahil sa totoo lang? Hindi ko alam ang gagawin ko.
"Mr. and Mrs. Ford" Tawag ng babae namin sa harapan. Kaagad naman kaming tumayo ni William at lumapit sa pagitan ng babae.
Nang makalapit kami ay may ibinigay ang babae sakanya. Matapos non ay kaagad niya na kaming pinapasok sa entrance ng airplane na sasakyan namin.
Nang nasa loob na kami ay kaagad namin hinanap ang upuan namin. Nang makita namin ay minabuti niyang umupo sa may window side. Umupo narin ako sa tabi niya. Pero tila ba nakakabingi ang tahimik.
Hindi ako sanay. Nakakapanibago. Mas gusto ko ata ang William na makulit, palaging nang aasar at iba pa. Pero ang tahimik? Parang ayaw ko.
Alam kong nasaktan ko siya sa mga nasabi ko kanina. Pero kahit gawin ko ay hindi ko na mababalik ang oras. Hindi ko na mababalik ang panahon na lumipas na. Ang tanging masasabi ko lang sa aking isipan ngayon ay patawad.
Hindi lumilingon si William sa akin buong byahe. Kung hindi siya titingin sa bintana ay ipipikit niya naman ang kanyang mga mata. Gusto ko sana siyang kausapin pero tila ba naiilang ako.
At nahihiya dahil sa mga nasabi ko kanina. Sana ay hindi ko 'yon sinabi. Siguro ay hindi magiging ganito ka kumplikado.
Mga ilang oras lang ang nakalipas ay kaagad narin kaming nakalapag ng pilipinas.
Pilipinas na talaga dahil ang init na. At kung lalabas ka na walang payong ay tiyak mapapaso ka.
Kaagad kaming kumuha ng Grab Taxi matapos naming makalabas ng Airport. Tahimik parin kami at walang nagsasalita sa amin na dalawa. Pinagmamasdan ko lang siya at seryoso lang ang kanyang mukha at walang emosyon.
Hindi ko nababasa ang nararamdaman niya ngayon. Hindi ko maipaliwanag kung nasasaktan ba siya ngayon o okay lang talaga dahil sa emosyon na pinapakita niya.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko nang makapasok na kami sa Taxi.
Hindi niya munaa ko sinagot. Tinignan niya lang ako at ngumiti siya.
"Sa Kompanya mo." Tipid niyang sabi at ngumiti ng kaunti. Alam ko namang peke ito.
Matapos non ay pinagmasdan niya na naman ang window ng taxi. At tinignan ang labasan.
Ayaw niya talaga akong makausap. Kung ayaw niya ay hindi ko siya pipilitin.
"Nga pala. Kung nagtataka ka kung totoo ang folder na ipinakita ko sayo. Wag kang mag alala, may kopya si Attorney na nagpapatunay na sayo ang kompanya." Aniya muli at lumingon sa kawalan.
BINABASA MO ANG
Tears Of Truth
Fanfiction[HIGHEST RANK: #1 in Fanfiction 05-11-18] Isa si Isabel Chandria Cruz Ford sa mga taong bulag sa pag ibig. Siya ay maalagaing asawa at mahal na mahal niya si William Daniel Ford kahit patuloy lang siya nitong sinasaktan at binabalewala dahil sa isan...