Pain
+++++
Kinaumagahan, una akong nagising sakanya. Hawak hawak niya parin ako at tila ayaw niyang bitawan. Hay sana tulog nalang siya lagi. Para naman ganito siya saakin. Para madama ko ang pagmamahal niya kahit man lang sa pagtulog niya.
Ang himbing ng tulog ng asawa ko. Malamang ay napagod sa ginawa namin kagabi. Kahit sabihin ko ayaw ko ang mga pinagagawa namin pero hindi ko rin maitatanggi na nasisiyahan ako kapag ginagawa niya iyon.
Tinititigan ko ang kanyang mukha na hanggang ngayon ay natutulog ng mahimbing. Gwapo ang asawa ko, hindi ko maipagakakaila yon kaya nga habulin ito ng mga babae. Dati nong kinasal kami, pakiramdam ko ako ang pinaka maswerteng babae na ikinasal. He is my life. Siya lang at wala ng iba pa.
Hindi ko rin itatanggi na ang asawa ko ay masungit at cold. Oo masungit ito lalo na sa taong hindi niya mga kakilala. Kahit nga kasal na kami non patuloy parin niya akong sinusungitan at tinitignan ng malamig sa mata.
Hindi ko naman siya masisisi. Ikaw ba naman na ipapakasal sa taong hindi mo mahal diba? Tanggap ko iyon kahit na sinusungitan niya ako. Balewala lang sa akin yon basta kasama ko siya.
Pero iba parin talaga. Humantong na siguro ako sa punto na nagsasawa na ako. Na ako nalang lagi ang umiintindi at nagmamahal. This time I want new. I want love. Pure love from him. Walang pagdududa. Pero hindi niya naipakita sa akin. Ni katiting na pagmamahal hindi niya naipakita sa akin. Kaya hindi ko rin masisisi ang sarili ko na mahulog sa iba. Ngunit wrong timing lang kasi.
Kung saan handa na siyang magmahal doon din naman nagimbala ang lahat. Sana nga hindi nalang nangyari ang trahedyang iyon. Siguro masaya kami ngayon. Siguro kaya niya akong mahalin.
Kung saan natutunan niya na akong mahalin ako din naman ang nawalan.
"Bakit ka umiiyak dyan?" aniya habang nakakunot noo.
Bumalik lang ako sa wisyon ng itanong niya ito. Pinahiran ko ang mga mata ko at totoo nga umiiyak ako.
"Alam mo! Para kang tanga! Umalis ka nga sa tabi ko. Ang AGA AGA SIRA NA AGAD ARAW KO." tugon niyang muli.
Bumitaw ako sa pagkakahawak niya. Wala nalang akong sinabi pa. Tama siya ang aga aga pa kaya hindi dapat namin simulan ang umaga ng away. Dumiretso nalang ako kusina upang maghanda ng makakain namin.
Mga ilang minuto lang ang nakalipas ay nakaluto na ako kaagad ng ulam namin. At naghahanda na ako ng mga plato namin sa hapagkainan para kumain.
Ngunit nakita ko asawa ko na nagmamadaling umalis papuntang labasan. Kaya naman dali dali ko siyang hinabol.
"Saan ka pupunta? Hindi kaba kakain?" Tanong ko sakanya.
"Hindi ako kakain dito ngayon at mamaya. At wag kanang mag aksayang magluto pa. Kung ginugutom ka, kumain ka ng para sayo." Aniya habang inaayos ang kanyang sapatos.
Napansin kong hindi pantay ang pagkakaayos ng kanyang necktie. Kaya lumapit ako sa pagitan niya at tila ba nagulat siya. Ngumiti lang ako sakanya at inayos ang kanyang necktie.
"Bakit ka nagmamadali? Kumain kana muna. Ready naman na ang pagkain." sabi ko matapos ayusin ang kanyang polo at necktie.
"Bakit ba ang kulit kulit mo? Pupunta ako sa opisina may aasikasuhin. Wag kanang magtanong ng magtanong nakakarindi." Aniya muli at umalis sa pagitan ko para mag start ng sasakyan.
"Sige, mag ingat ka." Sabi ko.
Tinignan niya muna ako ng malamig bago sumagot sa aking sinabi. "WAG KANG UMALIS NG BAHAY. AT MAGAPKITA SA GAGONG YON. WAG NA WAG MO AKONG SUSUBUKAN ISABEL!" babala niya at hindi na ako nakasagot pa dahil umalis na siya.
BINABASA MO ANG
Tears Of Truth
أدب الهواة[HIGHEST RANK: #1 in Fanfiction 05-11-18] Isa si Isabel Chandria Cruz Ford sa mga taong bulag sa pag ibig. Siya ay maalagaing asawa at mahal na mahal niya si William Daniel Ford kahit patuloy lang siya nitong sinasaktan at binabalewala dahil sa isan...