Last Wish
++++++
Isang buwan na ang nakalipas simula ng makauwi ako galing Barcelona. Gusto ko pag tuunan ng pansin ang trabaho pati narin ang annulment. Ngunit hindi ko magawa dahil palaging nakabuntot si William sa akin kahit saan man ako mag punta. Hay sana lang talaga matapos na ang mga araw na hiniling niya para maging malaya na muli ako.
"Saan mo gusto pumunta ngayon Love?" Aniya habang nag mamaneho.
Nasusuka ako kapag tinatawag niya akong Love. Para kasing hindi bagay sakanya. Pero wala akong magagawa dahil nakipag deal ako sakanya. Siya ang boss at siya ang masusunod. Total malapit na naman matapos. Isang araw nalang ang natitira magiging malaya narin ako sa wakas.
"Ikaw bahala." Tipid kung sagot sakanya. Tumango tango naman siya.
"Sige kain muna tayo. Bago tayo pumuntang Thailand. Hahaha" Aniya na nagpagulat sa akin.
"Anong gagawin natin sa Thailand?" Agad kung tinanong. Natawa lang siya at tinignan ako. Kaagad ko namang yinuko ang ulo at hindi ko siya matignan ng diretso dahil siguro sa naiilang ako.
"Gusto mo mga elepante diba? Kaya don ang punta natin. Wala pa palag. Last na 'to diba. Wag kang mag alala isang araw nalang din naman ang natitira sa akin kaya pagbigya mo na ang hiling ko." Nakangiti niya sabi at itinuon na ang tingin sa byahe.
Nakakagulat ang asawa ko ngayon. Todo effort talaga siya. At hindi naman ako manhid para hindi maramdaman 'yon. Oo, nararamdaman ko ang sinseredad niya pero ang pagmamahal? Ewan parang wala eh. Parang peke lang ang lahat.
Wala na akong nasagot pa sakanya at tumango nalang. Ngumiti naman siya.
"So kamusta ang Cebu at Bohol Love? Nag enjoy kaba?" Tanong niya.
Tumango ako. Talaga namang nag enjoy ako ang gaganda kasi ng lugar. Sa Cebu ay parang manila lang. Grabe anlalaki ng mga buildings at iba pa. Sa Bohol naman ang ganda rin. Presko ang sariwa ng hangin at nanaiisin mo talagang pumunta roon. Mas nag enjoy ako sa Chocolate hills. Kasi doon tanaw mo ang lahat. Tanaw mo ang mga naglalakihang bundok na kulay tsokolate dahil sa nasisinagan ng araw.
"Masaya naman." Sagot kung muli sakanya.
Matapos namin pumunta ng Amanpulo, ay kaagad kaming pumunta ng Cebu. Iginala niya ako at pinuntahan namin ang branch niya doon. Naalala ko pa ang sinabi niya.
"Baka gusto mong magtayo ng kompanya mo rito? Wag na. Ito nalang ibibigay ko 'to sayo. Total sayo din naman ito. Dahil mag asawa tayo." Aniya na nakagiti. Pero sinagot ko siya at tila nawala ang kasiyahan sa kanyang mukha.
"Oo, pag aari natin yan ngayon dahil tayo ay mag asawa pa. Pero kapag naghiwalay na tayo hindi na. So babayaran parin kita. Hindi ako makakapayag na hindi kita babayaran." Ani ko at tumango naman siya.
Matapos naming magpunta sa branch nila dito ay kaagad niya rin akong ipinunta sa Mactan. Ang ganda ng tanawin ng Mactan. Kahit nakakainis dahil sa traffic at halos mag iisang at kalahati kami nakapunta roon ay worth it naman ang lahat. Enjoy naman! Dahil hindi ka manghihinayang sa mga makikita mo roon.
Ikwenento niya rin sa akin ang history ni Lapu Lapu at Magellan. Kahit alam ko naman 'yon, pero nakakatuwa. Matapos ay umuwi na kami sa pero bago kami umuwi sa hotel ay ipinasyal niya mula ako sa Ayala Mall doon sa Cebu.
Kung wala siya sa tabi ko tiyak mawawala ako dahil sa luwag ng mall na ito. Nakakahilo rin ang laki. Ang daming labasan at iba pa. Matapos naming kumain sa KFC ay kaagad narin kaming nagtungo sa Hotel at nagpahinga.
Gusto ko na siyang prangkahan na itigil niya na ito. Dahil wala naman talaga siyang makukuha dahil buo na ang desisyon ko. Sa tuwing kakauusapin ko siya tungkol ay iniiba niya ang usapan. O di kaya may tatawag sakanya.
BINABASA MO ANG
Tears Of Truth
Fanfiction[HIGHEST RANK: #1 in Fanfiction 05-11-18] Isa si Isabel Chandria Cruz Ford sa mga taong bulag sa pag ibig. Siya ay maalagaing asawa at mahal na mahal niya si William Daniel Ford kahit patuloy lang siya nitong sinasaktan at binabalewala dahil sa isan...