Chapter 12: Another Pain, Another Tears

8.3K 134 24
                                    


Another Pain, another Tears.

+++++

Sabi nila kapag nasagad raw ang tao hahantong ito sa katapusan. Sabi nila kapag napagod naraw ang tao, hahantong iyo sa matinding katapusan. Siguro ako? Pagod na pagod na. At nasagad na para makapag desisyon nito.

"William, Ayuko na. Pagod na 'ko" Seryoso kung sabi sakanya ng makauwi siya. Walang emosyon akong pinapakita sakanya. Ayuko makita niya na nasasaktan ako. Ayuko makita na umiiyak at napapagod ako.

Ikinagulat niya naman 'to. Siya pa talaga may gana magulat sa kabila ng lahat? Dapat nga ako ang magulat dahil sa surpresa niya sa akin. Akala ko masaya ang supresa pero bakit ang sakit. Kaga siguro napagod ako. Kaya siguro nakapag desisyon ako ng ganito. Dahil napagod na ang puso na walang hangad kundi ang mahalin siya. Pero napuno ng kasinungalingan.

Pasensya na aking mahal, ngunit napagod na aking puso. Nagulantang siya sa mga maletang nakalatay sa tabi ko. Siguro ay iniisip niya na handa na akong lumisan sa pamamahay na 'to.

"Love, Let me explain. Hindi gan---" Hindi na siya nakapag salita ng barahin ko siya.

"It's okay William." Agarang sabi ko. Okay naman na talaga. Wala na dapat ipaliwanag. Alam ko na. Alam ko na ang katotohanan na nag sinungaling siya sa akin.

Aalis na sana ako ng bigla niya akong hilahin sa kamay. "Hindi ganon. Hindi ko alam kung maniniwala kaba o hindi pero bahala na. Hindi ko talaga sadya na magkikita kami sa Cebu. Oo pumunta ako sa Cebu dahil don sa isang client ko. At hindi ko alam na siya ang kliyente ko. Noong una inayawan ko kaagad kahit hindi ko alam kung ano ang deal. But she begged Isabel. Nagmakaawa siya na kausapin ko siya."

Nakikinig lang ako sa paliwanag niya. Kahit noong una ayuko na. Pero kailangan ko parin malaman ang side niya para hindi ako maging unfair. Pero, hindi magbabago ang aking desisyon. Kahit ano paman yan, hindi na mababago ang desisyo ko. Sa totoo lang, parang nasagad na ako eh. Napagtanto ko nalang na hindi na tama 'to.

Parang bigla nalang akong namulat sa katotohanan na nakakaawa ko pala. At ayuko na kaawaan ang sarili ko. Nakaka stress pag ganon.

".. Then I talked to her. Pinaliwanag niya ang lahat na gusto niyang mag invest sa kompanya natin. I refused. Alam kung hindi ka papayag at ayuko rin na yung ang maging dahilan ng away na naman natin muli. Pinaliwanag ko sakanya lahat at naintindihan niya naman. Pero nanghingi siya ng pabor sa akin na hindi ko matanggihan." Pagpapatuloy niya, pero hindi ko alam kong maniniwala paba ako. Nakakapagod na maniwala sa kasinungalingan.

"Her mother is dying. Close ako sa mommy niya. At gusto ako makita ng mommy for the last time. Hindi daw kasi alam ng mommy niya na wala na kami ni Kathleen, matagal na. Kaya ganon. Noong una hindi ako pumyag. Pero lumuhod siya sabel. Umiiyak at nagmamakaawa. Ang sabi niya pa, kahit masilayan lang ako ng mommy niya at tatanggapin na niya na lilisan na ang mommy niya."


Magkaiba kami. Siya mamatay pala pero ako namatay na.

"Hindi ako naka tanggi sabel. Naging parte narin ng buhay ko ang mommy niya. Sinubukan kitang tawagan ng gabing 'yon pero hindi kita ma contact. Nakapatay ang phone mo. Naghihintay din ako na mag online ka para maka pag video call tayo but I failed. Bigla nawalan ng signal don. Hindi ko alam kung bakit. I tried to contact you again but nakapatay parin ang phone mo. Hanggang natapos ang kaarawan natin." pagpapatuloy niya.

Sinungaling! Hindi mo na ako mauuto pa william. Hindi nakapatay ang phone ko ng mga oras na yon. Dahil ako mismo nag aantay rin ng tawag mo. Pero wala ako natanggap ni isa. Ipinikit ko lang ang aking mga mata at hinilot ang sintindo ko. Hinyaan ko lang siya magpaliwanag pa kahit kasinungalingan naman.

Tears Of Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon