Chapter 10: Unexpected Message

7.2K 114 16
                                    

Unexpected Message

+++++

"Nagkikita paba kayo ng Marco na yon Isabel?" Seryosong tanong ng aking asawa kinaumagahan.

"H-ha? Hindi na. Bakit?" Tanong ko, kakagising ko palang pero ito na agad ang bungad sa akin.

Ipinakita niya sa akin ang cellphone niya at ikinabigla ko naman ito. Ako at si Marco, magkahalikan na dalawa sa Sky bar? Paano nangyari to? Bakit wala akong naalala na nangyari ito?

"Ayuko muna magalit. Pinipigilan ko. Pero Sabel ipaliwanag mo sa akin ito." Aniya habang nakaupo sa sofa

"Sinong nag send niyan?" Tanong ko sakanya. Inaalala ko pa ang mga panahon na nagsama kami ni Marco pero wala kaming halikan na ganyan dalawa. Hindi ko maalala.

"Mag nag send sa akin, sa messenger. Unknown ang name at walang mukha. Okay na? Ngayon ipaliwanag mo yan sa akin?" Seryoso niyang tugon.

Hindi ko maipapaliwanag ito pero sinasabi ko rin na hindi ito ngayon. Dati siguro to? Pero bakit wala akong naalala. Nag ka amnesia ba ako? Para hindi ko ma alala ang mga bagay bagay?

"H-hindi ko alam. Basta masasabi ko lang hindi niyan ngayon. Siguro n-nong kami pa? Pero hindi yan ngayon. At wala narin si Marco sa pilipinas William. Nasa Barcelona siya. Sinabi niya nong huli naming kita doon sa hospital. Naalala mo pa?" Pagpapaliwanag ko sakanya.

Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. Seryoso parin siya at tila malalim ang iniisip. Ang lakas ng kanyang buntong hininga. At tumango tumango ito. Matapos ay tumayo sa pagitan ko.

"Tara na. Magbihis kana. Check up ko lang kotse natin" Aniya at ngumiti sa akin. Pero hindi niya matatago na peke ang ngiti na iyon.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko, dahil wala akonh ideya kung saan kami pupunta.

Ngumiti muna ito bago ako sinagot. "Hindi mo ba naaalala? Sinabi ko sayo kagabi na pupunta tayong Seven seas ngayon? Mag da-date at advance birthday celebration narin sa birthday natin dalawa." Pagpapaliwanag niya. Tumango naman ako don at umalis na siya para i check ang kotse.

Bago siya umalis may sinabi pa siya sa akin nakapag gaan ng aking nararamdaman. "Yung kanina. Hayaan mo nayon. Naniniwala ako sayo. At wag na natin ungkatin payong nakaraan. Nag mo-move on tayo diba? Wag rin natin simulan ng away ang umagang ito. Magbihis kana bilisan mo ah."

Naalala ko bigla, oo nga pala birthday namin. Sa April 26, pero bakit ang aga namin mag celebrate? Hindi nalang ako nagtanong at naghanda na ng mga gamit. Mga ilang minuto lang ang nakalipas ay natapos na ako. Kaagad naman akong pumunta sa labas at nakita ko naman siya sa kotse niya. Nang makita niya ako ay nginitian niya ako. Nginitian ko nalang din siya. 

Nang makalapit ako sa pagitan niya ay nag tanong ako kung mag hahanda paba ako ng agahan namin at babaunin papunta doon. Pero sabi niya na wag naraw dahil bawal naman daw magdala ng pagain don. Doon nalang daw kami kakain dahil may restaurant naman daw don.

Mga ilang minuto pa ang nakalipas ay umalis na kami ng bahay. At papunta na kami sa sinabi niya na lugar. Wala akong ideya kung ano iyon basta ang nasa isipan ko lang ay isang ordinaryong swimming pool  ngunit mali ako.

Nang makarating kami doon ay nalula ako sa laki. Parang lugar to ng mga pirata. May mga design na barko at napakaraming slides. Bagong open ang waterpark resort na ito kaya hindi pamilyar sa akin.

Kahit saan ka tumingin puro mga magagandang tanawin ang makikita mo. Ang waterpark na ito ay gawa sa mga pirata na design. Basta ang ganda at astig lang. Kasabay pa ng mga slides na napakataas.

Tears Of Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon