Chapter 6: Stay

8.3K 141 18
                                    

Stay

+++++

Laking pasasalamat ko kay daddy at nakinig siya sa akin. Hindi niya muna pinirmahan ang waiver. Pero may binigay din siya na kasunduan na kapag hindi paraw magigising si mommy hanggang sa susunod na linggo, ay pwe-pwersahin na talagang tanggalin ang makina na bumubuhay sakanya.

Masakit man, ngunit wala akong magagawa. Kaya mommy kung nasaan kaman ngayon, bumalik kana. Ipinapangako ko at gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako. At kapag nagising kana, magiging masaya na tayo.

++++

Gabi na ng lumabas kami sa hospital. Ayaw ko mang umalis pero kailangan. Sabi rin kasi ng kaibigan ko na wag na muna ako mag pa stress masyado dahil baka makasama ito sa baby na nasa sinapupunan ko. Tumango nalang ako sakanya bilang pagsang ayon.

Mga ilang minuto rin ang nakalipas at nag paalam narin siya sa akin dahil raw may aasikasuhin pa siyang mahalaga sakanila. Business matters. Ako rin. May aasikasuhin rin ako. Ang aking asawa.

Sasakay na sana ako ng taxi ng biglang mag ring ang cellphone ko. Kaagad ko naman 'tong hinablot sa bag at sinagot.

"Hello?" Unknown number ang nakalagay. Hindi ko sana sasagutin pero baka importante.

"Hi. This is Patrick Garcia, William's friend. Where are you now?" Tanong niya sa kabilang linya.

"Hmm. Bakit?" Diretsa ko ring tanong sa kabilang linya.

"Ah, Is this Isabel right? Hmm can you please pick up your husband here in my bar? He can't drive because he's drunk, at nang aaway na siya ng customers. Please Isabel?"

"Okay." yon lang ang nasabi ko. At ibinaba ko na ang cellphone ko upang puntahan ang bar na iyon.

Tinext naman ng lalaking kausap ko kanina ang address ng bar kung saan nandoon ang aking asawa. Dali dali akong pumara ng taxi at nag tungo doon. Laking pasasalamat ko naman at andali ko lang nakasakay.

Sinabi ko kay manong driver ang adress ng bar at kaagad narin kaming nagpunta doon. Habang hindi pa kami nakakapunta doon ay ako naman ay nakatulala lamang. Ang daming lumalabas sa utak ko ngayon.

Marami ring nangyaring masasakit. Pero heto ako, andito parin at kinakaya. Ngayon ang tanging nasa isip ko lang ay mag kaayos kami ng asawa ko. Pero kung hindi niya ako matatanggap, hindi ako mamimilit pero ipinapangako ko na nasa tabi niya ako lagi.

Mahigit dalawang taon kaming nagsama at susuko nalang ako? Hindi maari. Sa loob ng dalawang taon na iyo ay minahal ko siya ng lubos. At hanggang ngayon ay mahal na mahal ko parin siya. Walang halong biro.

Dahil sa kakaisip ko ay hindi ko na namalayan na andito na pala ako sa tapat ng bar na sinabi ng kaibigan ng aking asawa. Matapos kung bumaba sa taxi ay nilibot ko muna ang paligid at tama nga, andito nga ang asawa ko. Dahil nandito ang kanyang kotse, nakapark.

Dali dali akong pumasok sa bar upang hanapin ang asawa ko. Unang pasok ko palang ay nalanghap ko na kaagad ang masalimoot na amoy ng sigarilyo at mga alak. Gusto kong masuka dahil sa amoy na nalalanghap ko.

"Mrs. Isabel Ford right?" Ani babae habang nakangiti. Tumango lang ako sakanya at ngumiti naman ito muli.

"This way Ma'am." Ayuko mang sumunod sakanya pero mukang alam ko na ata san niya ako dadalhin. At kung hindi rin ako nagkakamali ay isa siya sa mga staff dito sa bar na ito, dahil sa kanyang kasuotan.

Nagtungo kami sa isang pulang kwarto at sabay kami pumasok. Nang mabuksan namin ito ay kaagad tumambad ang aking asawa na puro dugo ang mukha. Nakahiga sa sofa.

Tears Of Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon