Chapter 7: Start Again

8.6K 121 36
                                    

Start Again

+++++

"Gising k-kana please. Mahal kita."

Nagising ako bigla dahil sa narinig kong boses. Kinusot ko ang aking dalawang mata upang maliwanagan ngunit wala akong nakitang tao. Ang tanging nakikita ko lang ay ang aking asawa na ngayon ay mahimbing na natutulog sa tabi ko.

Nalilito parin ako sa dahil sa boses na iyon. Saan galing ang iyon? Panaginip lang ba 'yon? Pero hinde eh ang linaw ng boses. Parang totoo.

Mga ilang minuto pa ang nakakalipas ay nalilito at nagtataka parin ako. Pero kung patuloy kung iisipin 'yon ay baka hindi ako makaluto ng almusal namin. Hindi ko nalang pinansin at tumayo nalang ako upang makapaghanda na ng almusal namin.

Bago ako tumayo ay tinignan ko muna ang aking asawa, napangiti ako dahil sa mga naalala ko kagabe. Sa mga sinabi niya. Sana ay totoo nalang yon. Sana mag tuloy tuloy na ang sayang iyon. Dahil inaamin ko, kahit lasing siya ay napasaya niya ako kahit papaano. Masaya pala marinig ang mga iyon mismo sa asawa mo.

Totoo nga din ang kasabihan na kapag lasing ang tao ay makakapagsalita ito ng mga makatotohanan. At ibig sabihin non ay totoo ang mga pinagsasabi niya kagabi. Sana, Sana nga. Ayukong umasa pero sabi ng puso ko na umasa ka, dahil totoo iyon. Hay! Sana nga.

Dahan dahan ko siyang hinalikan sa noo para hindi siya magising. "Goodmorning Love." sabi ko ng mahina. Matapos noon ay bumangon na ako para makapag handa na.

Unang ginawa ko ay nag saing at nagtadtad ng mga sangkap na ilalagay sa ulam. Habang ginagawa ko yon ay hindi mawala ang ngiti ko. Naalala ko kasi ang mga sinasabi niya kagabi. At natatawa rin ako dahil hindi niya man lang alam na ang ka kwentuhan niya dati eh ang mismong asawa niya. How I wish makakapag kwento siya sa akin na hindi siya lasing.

Dahil kapag hindi yon lasing ay back to normal kami. Hindi yon kikibo at magkwekwento. Masaya lang ako dahil ng kwento siya kagabi. At idagdag pa natin na sinabi niyang mahal ako. Oo para na akong tanga dito dahil sa paulit ulit kung iniisip pero hindi niyo ako masisisi. Sadyang masaya lang talaga ako.

Matapos kung magtadtad ng mga sangkap ay nagsimula na akong magluto. Una kong niluto ay ang adobong manok. Ang kanyang paborito. Nagluto rin ako ng sinangag na itlog at hotdog at hinalo ko sa kanin upang maging kakaiba ang kanin. May lasa.

Habang busy ako sa pagluluto ay hindi ko magawang ma tignan ang asawa ko sa kwarto kung gising na ba siya o tulog pa. Tinignan ko ang orasan malapit sa kusina at napagtanto ko na 7am palang ng umaga. Kaya makakain pa ang asawa ko bago pumasok sa opisina.

Habang abala ako sa pagluluto ay may biglang yumakap sa akin patalikod na siyang ikinabigla ko. Napalingon ako ng konti at napagtanto ko na si William. Ang aking asawa.

"Good morning. Anong niluluto mo?" Tanong niya yakap yakap parin ako.

"A-ah u-ulam natin pang agahan." Mautal utal kong sabi sakanya.

Hindi ako makapaniwala na siya ang unang kumausap sa akin. Dahil dati ako naman ang laging nag o-open up ng topic para lang sumagot siya.

"Mukang masarap. Kakain ako ah. Maliligo lang muna ako." Aniya muli at bumitaw na sa pagkayakap sa akin.

Nakakapagtaka. Nakakapanibago. Nalasing lang siya tapos pagka bukas good mood na siya? Kung alam ko lang sana dati ko na 'to nilasing para hindi na ako sungitan.

Kahit nakakapagtaka ay may part parin sa akin na nagiging masaya. Masaya dahil parang okay na kami. Parang nagbago ang lahat. Teka lang, hindi ba talaga ako nanaginip? Bakit pakiramdam ko nanaginip ako.

Tears Of Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon