Chapter 20: End

7K 120 35
                                    

End

+++++

Namamaga na ang aking mata sa kakaiyak. Hindi ko lang kasi maitago ang sakit na aking nararamdaman ngayon. Paano ako nito ngayon. Paano ako magiging buo muli?

Ang totoo, mahal na mahal ko naman na siya ngunit pinipigilan ko lang. At hindi ko akalain na mapapamahal pa talaga ako sakanya simula ng umalis ako. Pero I made a wrong choice. If I can turn back the time. I should wish na sana maging okay na kami.

Sana may restart buttong rin ang buhay, dahil kapag ganon ay pwede nating maibalik sa lahat. Pwede nating i ulit ang mga mali at itama ito. Pero wala eh, nakatira tayo sa mundo ng realidad at walang ganon. Ang sakit. Ang sakit sakit!

Sana sumugal ako, sana hindi ako natakot magmahal. Dahil mas nakakatakot palang maiwan kesa na magmahal muli. Pero huli na ako, ngayon ko lang napagtanto ito ng wala na siya sa buhay ko habang buhay.

Tama nga ang kasabihan na nasa huli ang pagsisisi. Kung sinabi ko lang talaga, sana ay okay na ang lahat pero hindi. Nagmatigas ako. Kasalanan ko.

Pero masisisi ko ba ang sarili ko na natatakot magmahal muli sakanya? Masisisi ko ba na ang hirap tanggapin niya muli sa puso ko. Nawalan ako ng magulang, nawala si Mommy, si daddy, ang anak namin, ngayon siya.

Bakit lahat ng tao iniiwanan ako? Hindi ba ako karapat dapat mahalin? Bakit? Ang sakit sakit.

Naalala ko pa dati sinabi ko ang katagang "Masanay ka na mabuhay na wala ako, dahil ako, kakayanin kung mabuhay na wala ka" kay William. Pero tila ba mali ako. Imbis na pa ra 'to sakanya. Mukang para sa akin.

Kakayanin ko ba na mabuhay na wala siya? Paano? Paano na kami ng anak ko? Muli ay humagulhol ako sa iyak. Hindi ko na maintindihan ang buhay ko. Minsan pala, nakakapagod mabuhay sa ganitong sitwasyon.

Ang sakit. Nakakapagod.

"Shhh. Okay lang yan." Sabi naman ni Marco ngunit umiyak lang ako ng umiyak.

Paano naging okay ang iwan ka? Paano nging okay na iwanan ka ng taong mahal mo?

Hindi. Kahit kailan ay hindi magiging okay.

"P-pwede niyo na ako iwanan. K-kaya ko na ang sarili ko. " Sabi ko sakanila na nakangiti ngunit peke. Kahit anong tago ko sa sakit ay pilit parin itong lumalabas.

"No." Tipid na sabi ni Marco. Ngumiti ako sakanya mg pilit.

"Yes. Okay lang. Wag kayong mag alala wala akong gagawin na masama. Kaya sige na." Sabi ko sakanila. Batid parin sakanila ang pagdududa.

Pero wala silang nagawa sa huli. Dahil napauwi ko parin sila.

Ngayon nandito ako sa kwarto ko nag iisa at walang kasama. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at namamaga parin ang mata ko. Dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Maya maya lang ay napagdesisyonan kung pumunta sa bahay namin. Bahay namin ni William.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay tumambad sa akin ang mga napakaraming masasakit na nakaraan. Masasakit na humantong sa hiwalayan at iwanan. Ngunit kahit masasakit man ito ay pilit ko paring bumangon.

Pumunta ako sa kwarto namin at humiga. Dinamdam ko ang nakaraan. Ang sakit at ligaya rito.

Saksi ang bahay na 'to sa aming pagmamahalan at pagsasakitan. Hanggang nakapag desisyon na lumisan ako. May tumakas sa aking luha dahil sa sakit ng nakaraan.

Habang humuhiga ako ay naalala ko bigla ang sulat sa akin ni William. Kaagad ko 'tong hinanap at laking pasalamat ko ay hindi ko naitapon. At nasa bag ko lang.

Tears Of Truth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon