I stared at the beachfront house in front of me and then I turned to see the beach. I love how the sky looks like a curtain of silk above the jewel-blue sea. The sea song of the waves that ripples gently and dashed the sand calms me. I like how the whole beach shaped like a shepherd's hook of gold with the air pregnant by the smell of salt. The place is indeed heart-warming.
"Gabgab, papasok ka ba?"
Tinig ni Oxygen ang siyang muling nagpabaling sakin sa kabahayan, naroroon siya sa gitna ng magkabilaang pinto na nakabukas at nakapamewang. Kinunutan niya ako ng noo nang mapansin na nanatili lamang ako saking kinatatayuan.
"Alam kong gwapo ako, pero magkaroon ka naman sana ng hiya para sa iyong pagkababae. Wag mo kong halayin gamit ang tingin." He faked the disappointment in his eyes, even had his hand feel his chest. "Respeto naman, o"
"Yuck! I wasn't and will never eye-rape you!" I shrieked. "Never in this lifetime, scumbag!"
Malakas at nakakalokong halakhak lamang ang kaniyang pinakawalan. Muli ko siyang inirapan. Hindi ko na alam kung ilang irap na ang naibigay ko kay Oxygen para sa araw na ito at alam kong dadami pa ang bilang dahil nagsisimula pa lamang gumabi.
Kanina sa buong byahe ay wala siyang ibang ginawa kundi asarin ako, Oxygen seems to have noticed everything around. I might say that he's a keen observer, I used to believe that it's a great trait to have but with Oxygen, I don't think so. Nakakairita yung palagi siyang may nasasabi na pang-inis para sakin sa lahat ng bagay na mapapansin niya.
Humakbang na ako patungo sa kinatatayuan niya, Oxygen's built is massive, halos nasakop niya na ang buong espasyo sa pagkakatayo niya. His tattooed shoulder caught my attention again, this close, I've got a better view of it. It's a mad tribal skull in the middle of roses.
"Pwede mo naman hawakan, di naman ako aangal..."
Ang mapanuksong tinig ni Oxygen ang siyang dahilan upang alisin ko ang aking tingin sa bahaging iyon, inirapan ko siya at nagpatuloy na sa paglalakad papasok sa kabahayan. "You got a nice tattoo."
"Wow, talaga ba? Ikinakabit mo sakin ang salitang nice? Bago 'yan, ah?" Tumatawang sinundan niya ako. "May sakit ba ang baby girl ni Kuya?"
Hindi ko na siya pinansin, bahala siya sa buhay niya. I surveyed the area. It doesn't have much of decorations and all the furniture and wall interior looks simple, not flashy, it's very minimalistic but cozy just how it looks outside.
"It's a symbol of duality." Expect to hear Oxygen speak every five minutes.
Not getting what he's talking about, I frowned and look at him.
"The tattoo," he said. "This was my first and only ink."
"Bakit? Nasaktan ka 'no? Ayaw mo ng umulit?" Nginisihan ko siya ng mapang-asar. "Coward!"
"Mukha mo," hindi yata marunong mainis si Oxygen dahil natawa lamang siya. "Hindi, kasi nung nag-pa-tattoo ako, parang ako na yung pinakamasamang nilalang sa pamilya naming. Ang gago eno? Pero sabagay ako naman talaga."
"Pinakamasama? What do you mean?" I said, sitting at the couch.
Oxygen took the space beside me and rested his back on the seat. "Kasi, iyong tatay ko, bastardong anak ni Senior Lucas. Of course, once a bastard always bastard. Tanggap naman siya ng lahat sa pamilya, pwera sa isa. Tito Vince never approved him. Even after he finished law. I'm not saying that he did that to please Tito Vince, he did that for himself. Pero wala, ayaw sakanya, e. 'Lamoyon? Kapag ayaw sayo ng tao, ayaw."
Nilingon ko si Oxygen at muling pinagmasdan ang tattoo niya. "Tito Vince? Isn't he your cousin?"
"Yeah, pero syempre mas matanda siya sakin ng ilang dekada. Baho naman kung Kuya Vince diba? Ano ako? Baby boy?" Ngumisi na naman siya, kaya naman napasimangot ako. "Gigil ka na naman, baby girl."
BINABASA MO ANG
Obnoxious Oxygen
RomanceGabbana; the spoiled, self-centered, self-indulgent little brat. She who knows little about living, have bought so much in life. And when she thought she's the queen of the world who could have everything in a snap of a finger, there comes Oxygen...