Final Chapter

64.9K 2.4K 878
                                    

"Oxygen!"

Malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan nang marinig kong agad ang sigaw ni mama bago pa ako tuluyang makababa ng sasakyan. Naroon na siya, nakatayong nakaabang sa akin na ang magkabilang kamay ay nasa bewang, nakataas ang isang kilay at masungit na masungit ang anyo, 'yan ang mama ko, palaban.

"M, calm down. Nakausap ko ang principal, maging ang mga magulang nung nakaaway ni Oxygen. Hindi naman siya matatanggal sa school pero mag-cocommunity service siya. Mabuti na lang at walang tinamong grabeng perwisyo 'yung bata." Si papa na ang unang sumalubong sa kanya, hinalikan ang tuktok ng kaniyang ulo bago ako balingan at palihim na kindatan. "Hindi na uulit 'yan si Ox, di ba? Good boy na 'yan."

Pinigilan ko ang aking ngisi at ipinirmi ang aking mga kamay sa loob ng mga bulsa ng aking pantalon. Ito ang gusto ko kay papa, papa ko talaga siya. Hanggang kay mama, poprotektahan niya ako. Tama man o mali ang ginawa ko.

"Ang sabihin mo kinunsinti mo na naman! Kaya lumalaking matalas ang sungay ng batang iyan, e." Aba, ayaw patalo ng mama ko, ah. "Hinahasa mo kasi. Hindi na 'ko magtataka kung darating ang araw na sa kulungan na natin 'yan susunduin."

At kagaya ng pag-iinarte ng mga mama sa pelikula, inalis niya ang pagkaka-akbay sa kanya ni papa atsaka kami tinalikuran upang magpatiunang pumasok sa kabahayan. Ano kaya 'yun? Inabangan niya kami para lang mag-walkout?

"Mag-sorry ka sa mama mo, hindi natin dapat 'yun ginagalit pero lagi mong pinapainit ang ulo." Malumanay na sabi sa akin ni papa. "Magpaliwanag ka ng maayos, mama mo 'yun, maiintindihan ka 'nun. Hindi pwedeng hindi."

Tinanguan ko lamang si papa, sumunod na ako dito papasok sa bahay. Napaaway ako kaninang umaga sa school, narinig ko kasi sa locker ng mga athletes na pinaguusapan si Tami. Okay lang naman sanang papurihan siya, maganda naman talaga ang kakambal ko. Hindi lang kinaya ng tenga ko nang marinig kong gusto niyang isahan si Tami, hindi ko alam kung bakit may mga lalaking ganoon, siguro wala silang tatay o hindi sila tinuturuan ng mga tatay nila kung paano tratuhin ng tama ang mga babae. Hindi ko napigilan sarili ko kaya siya binigyan ko ng isa, 'di ko pa nga tinodo nagkapatawagan na ng magulang. Kinwelyuhan ko lang sabay siko ng limang beses sa mukha, tapos ang usapan. Gigil niya ko, eh.

Sabi ni papa maiintindihan ako ni mama, maniniwala naman sana ako doon kaso pangatlong beses na 'to para sa buwan na 'to, gigil ko na si mama nyan.

"Kailan ka ba titigil sa pakikipag-away, Oxygen?" Tila nahihirapang sabi ni mama habang nagsisindi ng sigarilyo, nilingon niya ako.

Sandali kong binalingan si papa, tinanguan lang ako nito na para bang sinasabing alam ko na dapat ang aking gagawin. Kapag galit si mama, kailangan pakalmahin. Nginisihan ko siya at muling tinignan. "Parang pagyoyosi mo lang, ma."

Napakunot ang kaniyang noo at sandaling napahinto sa pagbuga ng usok.

"Bisyo na 'to," mas ngumisi pa ako para mas mainis.

Mabilis na nilubayan ng kaniyang kamay ang hawak na sigarilyo at agad noong nahaklit ang aking tenga, dito magaling si mama. Sa pamimingot.

"Ma, joke lang!" Napadaing ako, pero hindi niya ako binitawan.

"Tumatanda kang pasutil ng pasutil, Oxygen! Nakakaubos ka ng ganang mabuhay, alam mo ba 'yon?" Gigil na gigil niyang sabi habang mas pinipingot pa ko. "Hindi ko na alam gagawin ko sayong bata ka!"

Masakit sa tenga, pero napangiti pa rin ako. Mas ramdam ko kasing mahal ako ni mama kapag sinasaktan niya ko. True love hurts.


Mabilis na lumipas ang mga panahon, puro kalokohan at puro kagaguhan ang inikutan ng buhay ko. Every one thinks that I'm just a happy go lucky guy with no direction, well yes I am happy but no, I'm not lucky. Being a De Salvo comes great responsibility, being a Montezor means you're born to kill. And having both bloods running in my veins made me think that maybe I'm designed to be alone.

Obnoxious OxygenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon