Chapter 3: The bastard!

50 0 0
                                        

Maingat na ini-stretch ni Sam ang mga balikat. 

Oh my golly! Ansakit ng katawan niya! Sobrang napagod siya sa ginawa niyang pagseserve sa mga customers. Sa kapal ng tao kanina ay gusto na niyang i-close ang pintuan ng Dynamics at ipaskil sa sa pinto ang salitang ‘’Staffs are out of energy’’ pero imposibleng magawa naman niya iyon. Walang dudang mas dadami pa ang magiging customer nila sa mga susunod pang araw dahil bukod sa maraming dayo sa Villa ay buwan na ng bakasyon.

Tinignan niya ang oras sa relo bago niya isinara ang pinto ng kanyang opisina. It’s already nine o’clock in the evening at kailangan na niyang umuwi dahil pagod na pagod na siya. Lumakad siya sa pathway at pumasok sa Dynamics Bar kung saan madami-dami na ring tao. Gusto muna niyang siguraduhing pumasok sa duty ang lahat ng naka-assign na staff niya sa Dynamics Bar bago siya umuwi. Nakita niya si Ellen na nakaupo sa Main Counter ng Bar. Mabuti at ito na agad ang nakita niya dahil ito talaga ang kailangan niya.

Agad na tumayo ito ng makita siya. ‘’Ma’am.’’

‘’Pumasok ba lahat, Elli?’’

‘’Opo. Everything is just fine here, Ma’am. Balita ko napasubo kayo kaninang umaga sa Restau Dynamics, Ma’am?’’ palangiti talaga ang dalaga. Swerte ang mapapangasawa nito dahil bukod sa mabait na ay masipag pa. Bread winner ito ng pamilya nitong nasa probinsya.

‘’Oo nga eh. Ansakit tuloy ng katawan ko.’’ Ngumiti siya rito. ‘’O sige, dumaan lang ako para kumustahin kayo dito. O siya, pakisabi nalang sa iba na dumaan ako ha? Mauuna na rin ako kailangan ko kasi ng mahabang pahinga.’’

‘’Naku naman ma’am baka mapahaba ng sobra iyan a. Sayang ang gandang lahi ninyo nyan. At kawawa si Jun Pyo.’’ Tumawa ito. ‘’Biro lang po.’’

Natawa siya. ‘’Ikaw talaga! O sige na, sige na. Aalis na ako.’’ Tumalikod na siya.

‘’Goodnight ma’am.’’

Tumango lamang siya saka siya naglakad na palabas ng maingay na Bar. Nang makalabas siya ng Dynamics ay agad na tinawagan niya ang kanyang Mama Bi. Kahit medyo galit siya rito ay kailangan niya pa ring magpaalam dito.

‘’Ma, uwi na po ako.’’ wika niya ng angatin nito sa kabilang linya.

‘’Napaaga ka ata ngayon anak, ah.’’

‘’Masakit katawan ko Ma napasubo ako kaninang umaga, nag-staff serving on the table ako.’’ Napasinghal siya ng maramdaman na naman niya ang pananakit ng balikat niya. ‘’Ouch..’’

‘’Tawagan mo si Kean para sunduin ka na niya.’’

‘’Huwag na po. Baka may date iyon maabala ko pa magagalit na naman iyon sakin.’’

‘’Si Bando ang tawagin mo para sumundo sayo. Dumaan ba sayo si Kelly?’’ tukoy nito sa nakababatang kapatid niya.

‘’Hindi. Overtime daw kasi siya. Okay lang to, kaya ko pa naman eh.’’

‘’Baka kung ano pang mangyari sa’yo, anak.’’ bakas sa boses nito ang matinding pag-aalala.

‘’Kaya ko na to Ma. Don’t worry, I really can handle myself against anybody.’’ Malapit na rin naman siya sa Main Exit ng Villa.

‘’Eh kayo Ma, anong oras na naman kayong uuwi nyan?’’

‘’Naku, baka bukas pa ako makakapagpahinga anak. Andami kong kailangang tapusin ngayong gabi.’’

‘’Maybe you should call on your P.A?’’

‘’Mamaya pa siguro dadating si Ferdinand. Oh, he’s here! Wait,’’

‘’Ma, tatawagan na lang kita kapag nakauwi na ako--‘’

Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang maramdaman niya ang basang bagay na tumapon sa kanyang damit. At nang yukuin niya ang damit ay totoo ngang basa iyon, napakislot pa siya ng maamoy iyon.

Kape!

Matalim ang tinging binalingan niya ang taong nagtapon niyon sakanya. Malaking rebulto iyon kaya sigurado siyang isa itong lalaki. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito dahil medyo madilim pa doon pero kahit ganoon pa man ay sagad sa buto ang galit niya rito. Mabuti na lamang at hindi na mainit iyon kung hindi ay baka natadtad na niya ito ng buhay.

Nanlaki ang butas ng kanyang ilong sa galit, paano ay parang hindi pa magsosorry ang mokong. ‘’Hindi ka man lang ba--‘’

Natigil siya sa pagsasalita nang mapansing may kausap ito sa cellphone. Aba at isnabero ang unggoy! ‘’Excuse me--‘’

‘’You should listen, Anjelie. I want a date!’’

Napanganga siya rito. Nagagawa pang lumandi ng unggoy samantalang muntikan na nitong lapnusin ang nasa harapang parte ng katawan niya!

Mas lalong nadagdagan ang galit niya rito ng maalalang iyong favorite summer dress niya ang suot niya ng araw na iyon. Hindi na siya nakapagpigil.

Sinigawan niya ito. ‘’Hoy ikaw bakulaw!’’ Pero taliwas sa inaasahan niya ang ginawa nito, nagpatuloy ito sa paglalakad na tila walang narinig. Napapadyak siya sa inis.

Mabilis na hinarang niya ito. ‘’Hoy halimaw!’’

Sa awa ng Diyos ay tumigil ito at napatingin sa kanya. Inilayo nito ang cellphone sa tenga. ‘’Yes? Anong kailangan mo, Miss?’’

‘’Kailangan ko?” tumawa siya ng mapakla. ‘’Kailangan ko sana ang sorry mo kaso huwag na, sayo na lang! I’ve changed my mind.’’

Sandaling nawalan ito ng imik. ‘’What do you mean you need my apology?”

‘’Sa--‘’

‘’Okay, I’m sorry for something I don’t know. Take care. Bye.’’ Iyon lang at naglakad na ito. Dinaanan na lamang siya nitong parang hanging utot. Ni hindi nito kilala kong sinong binabangga nito. Heck!

Sinundan niya ulit ito. She won’t let him get away that fast.

‘’Hoy!’’ tinuro na niya ito. Then this time, he stopped infront of her. ‘’Ang kapal na nga ng mukha mong lumakad papasok sa Main Exit tapos tatapunan mo pa ako ng kape! Ang tapang pa ng hiya mong hindi mag-sorry sa akin! Baka gusto mong ipadampot kita sa pulis at ipakulong habang buhay? Ha?’’ kung may contest lang ng palakasan ng boses ng mga sandaling iyon ay walang dudang champion na siya sa lakas ng sigaw niya.

‘’Prison me? Just by accidentally spilling you a coffee? Oh come on, there’s no such case as coffee-heave-prison-my-ass thing like you imply at me. I’ve given you my apology and it’s up to you to decide whether you agree to it or not. At hindi ko alam na natapunan kita ng coffee kaya hindi ako nakapag-sorry agad.’’ His voice sounds good. Parang may kuryenteng dumadaloy mula sa katawan niya habang pinapakinggan ang boses nito. Nagulat siya sa naisip.

Kalokohan ito!

‘’Hindi lang ganoon iyon. At wag mo nga kong ma-english-english diyan, marunong din akong mag-english! Akala mo ikaw lang marunong?! Hah! Nakikita mo ba tong damit na suot ko ngayon?’’

Tumitig ito sa damit niya. ‘’Well, it’s quite dark here. Why?’’

‘’Kung hindi mo naitatanong, ito ang favorite dress ko! Binili pa ‘to ng Mama ko mula sa ibang bansa para lang sa akin at hindi ako makakapayag na ganito lang ang kakahinatnan nito. Isa itong floral dress. Mahal ito!’’ Inilahad niya ang palad dito. ‘’Pay me.’’

‘’What?!’’ Halata ang pagkabigla sa boses nito. ‘’I can’t believe this! Hindi kita babayaran. Wala akong dapat pagbayaran sa ginawa ko. Nag-sorry na ako.’’

‘’How about my dress!’’ bitch, ngali-ngali pa niyang idagdag. Wala naman talaga siyang balak singilin o kutungan ito tulad ng hinala nito. Gusto lamang niya itong pagtawanan kapag nagbigay ito ng pera sa kanya.

How foolish of him would be!

‘’Bahala ka na. Goodnight and goodbye.’’ Iyon lang at agad na itong naglakad palayo.

She was stunned. Naiwan siyang nakanganga doon. ''Gwapo ka sana kung hindi ka lang kuripot!''

Two Lovers (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon