Napatigil si Sam sa pag-aayos ng kanyang gamit ng mapansin niya ang calling card sa ibabaw ng mesa sa kanyang kwarto. Kinuha niya iyon. Calling card iyon ng lalaking nagsisilbing tumor sa kanyang utak. Binasa niya ang pangalan nito.
Bimson Lincoln. Iyon ang pangalan nito. Pangalan pa lamang ay halata nang mayabang ang may-ari niyon. Napaupo siya sa gilid ng kanyang kama. Matagal na tinitigan niya iyon hanggang sa makabuo siya ng ideya sa isip. Napatalon siya sa tuwa.
‘’Ngayon ay mapaghihigantian na rin kita hudas ka! Makikita mo isang araw, pagtatawanan rin kita!’’ wika niya. Kinuha niya ang suklay saka siya humarap sa salamin. ‘’Ang cute ko talaga kapag nagiging idealistic.’’
This time it’ll work!
Sigurado siyang hindi siya matitiklo sa binabalak niyang gawin ng mga sandaling iyon.
Ang galing ko talaga kahit hindi!
Kinuha niya ang cellphone sa sketching table saka niya kinuha ang calling card sa ibabaw ng mesa. She started dialing the number from it. Napangiwi siya ng busy tone lang ang narinig niya. Sinubukan niya ang isang numerong nakalagay doon. Natuwa siya ng mag-ring iyon. Inayos niya ang boses. Siguradong hindi rin naman siya niyon mabobosesan. Ilang sandali pa ay sinagot na nito iyon.
‘’Hello? Who’s this?’’ natuwa siya pagkarinig niya sa boses nito. Mabuti at ito na mismo ang nakasagot niyon. Dahil para sa kanya talaga ang tawag na iyon.
Bwahahahahahahaaaaaaaaaaaaa! *Evil laugh!*
‘’Oh yes, can I talk to Mr. Bimson Lincoln please?’’ kunwari ay di niya alam.
‘’This is him. Can I help you madam?’’
‘’This is the assistant of Captain Bernardo Romualdez, the head chief of April Residences. I’m Joy Ferrera, the chief's assistant. Do you know me?’’
‘’I sure do, madam. So, what can I do for you?’’
Napangiti siya ng simple. Makakabayad na siya sa ginawa nito sakanya! ‘’I’m so unhappy to tell you this Mr. Lincoln, but yesterday, you were reported the most arrogant, conceited, haughty, egotistical, overconfident and big headed superior of this town. They even said that you’re pompous and patronizing and so mighty. How could they say those against you if it's not true?’’
Hindi agad ito nakapagsalita. Malapit na niyang tawanan ito. ‘’Well madam, before anything else if you don’t demur, I would like to ask first who was that person who brought you the criticizing.’’ Halata sa boses nito ang pagkainis.
‘’I’m sorry but I can’t tell you, it’s needed not to be named to avoid affrays and commotions.’’
‘’And one thing madam, is there any proof that I’m the most arrogant, conceited, haughty, egotistical, overconfident and big headed superior of this town? I don’t expect more. If you don’t mind, you can check again the name of the reported men if it’s really me because I’m not living my life just for fun. Jeez, I have a lot of things to do every day; I’m much busier than you guys. So if it won’t cost a lot of your time, try to check the name and then the identity again if it really was me. Then after which, try taking the person who reported you those criticizing to the psychiatric doctor so he or she should have a note for his mental disorder. I’ve said enough ma’am, I’m so sorry.’’
Napatigil siya saglit. Naku, nagagalit na ang unggoy. She can laugh now! *Evil laugh again!*
‘’Kinompirma na ng nag-report sa amin na ikaw daw talaga iyon. Pasensiya na pero nadungisan na ang pangalan mo Mr. Lincoln, ang ganda pa naman ng apilyido mo pero sayang nga lang dahil may bad record ka na sa Village na ito. Kung ako sa’yo Mr. Lincoln, dahil mukhang mayaman ka naman mag-ingles ay pwedeng lumayo ka muna sa Village na ito dahil sayang kung mapag-uusapan ka dito sa atin. I propose, you need to go to States just for a month tutal pang Hollywood din naman ang apilyido mo. Mayaman kasi ang nabangga mo, mas mayaman sa’yo.’’ Hindi niya alam kung pagalit na ang boses niya ng mga sandaling iyon. Pero isa lang ang gusto niyang mangyari, umalis na ito doon!