SAM'S POV
Nakayuko si Sam nang lumabas siya ng banyo. Sumakit ang tiyan niya sakto pa pagpasok niya kanina sa CR. Natagalan tuloy siya. Napadami kasi ang kain niya.
Nakakahiya tuloy kay Karlo bebe niya. Hayyyyyyyy.
Pero nang tignan niya kung may Karlo na naghihintay sa kanya sa labas, wala.
Gosh! Nainip yata siya. Baka nainis naman na sakin yun! Etong tiyan kasi na 'to!
Mag-isa siyang bumalik ng table nila. Bahagyang nakayuko dahil sa sakit ng tiyan niya.
Syet naman kasing sakit ng tiyan to! Ngayon pa! Badtrip! Asan na ba yung si Karlo bebe ko para makapagpaalam na ako dahil hindi ko na talaga kaya----
May bumangga sa kanya dahilan para mawalan siya ng balanse. Napaupo siya sa sahig. ''Aray!'' wika pa niya habang sapo ang nasaktang balakang.
''Oh, I'm so sorry!''
Narinig niyang wika ng isang maarteng tinig. Galit na nag-angat siya ng ulo saka matalim na tinignan ang babaeng nakatayo sa harap niya ng mga sandaling iyon. Nakangiti pa habang nakahalukipkip.
Pagalit na tumayo siya. ''Ano ba ha! Tumingin ka naman sa dinaraanan mo!'' tigre talaga siya kapag galit, lalo pa ngayong nasaktan na siya pero hindi man lang siya tinulungan.
Tinitigan siya ng babae. Tinitigan rin niya ito. Sopistikada ito, matangkad, maputi at seksi. Parang artista. Nakasuot pa ito ng hikaw na kasya ang isang braso. Pero wala siyang pakialam doon! Ito ang nauna! Ang pinakaayaw niya sa lahat yung binabastos siya. Lumalabas pagiging boyish niya.
''Who are you para sigawan mo ko ng ganyan?'' hinagod nito ang kabuuan niya. ''Pathetic bitch.''
''Anlawak-lawak ng daan babanggain mo pa ako? I'm not a bitch!''
''My god! Sinasagot-sagot ako ha!'' lumakad ito at hinawi siya. ''Umalis ka nga diyan!''
''Aray--'' sa ginawa nito ay naitulak siya dahilan para mauntog siya sa glass panel. ''Hoy! Masakit yun ah!'' tinulak niya rin ito. Nawalan ito ng balanse dahil sa taas ng heels nito, napaupo ito sa sahig.
Wala siyang pakialam kung tinginan na ang mga tao sa kanila nang sandaling iyon.
''Ouch!'' dali-daling tumayo ito at sinampal siya. ''You pathetic bitch--''
''Aray! Walang-hiya ka!'' sinampal din niya ito ng mas malakas. Hinila niya ang damit nito. Nang masira iyon ay saka niya binitawan at lumayo rito.
Nasa kanila na ang atensyon ng lahat ng tao. Pero wala siyang pakialam doon, galit na galit na siya. Akalain mo, bigla na lang niya akong sinampal?!
Wala pang nakakasampal sa akin, ikaw palang! Kung hindi lang kasalanan ang pumatay, pinatay na kitang bwisit ka!
Gulat na tinignan nito ang nasirang damit. ''Oh my Pepsi Herrera dress! Oh my!'' galit na binalingan siya nito. Nanlilisik pa ang mga mata. ''You low life crazy bitch!'' kumuha ito ng pinggan mula sa malapit na table saka ibinato nito iyon sa kanya. Kumuha pa ng isa. At isa pa at isa pa.
Umilag-ilag siya saka tumakbo palayo rito.