‘’Ma’am, toxic po tayo ngayon.’’
Iniangat ni Sam ang ulo mula sa pagkakayuko niya sa lamesa. Si Yna ang nakita niyang nakatayo sa harap niya. ‘’Oh bakit, Yna?’’
‘’Toxic po sa Dynamics. Andami kasing customer tapos kakaunti kaming naka-duty ngayon. Baka pwedeng pakiusapan naman sina Ana at Aimee na ngayon na mag-duty.’’
Sinipat niya ang relo. Alas siyete pa lamang ng umaga. ‘’Ang aga-aga pa lang toxic na kayo? Sino-sino ang mga nasa kitchen?’’
‘’Sina Bobby, Faye at Jeum lang po. Staff serving naman kami ni Jade, hindi namin kayang ihandle ang ganoon kadaming customer ng kaming lima lang.’’
‘’You should atleast try. Salitan na kayo ng pwesto. Wala si Aimee ngayon nagpaalam na uuwi daw muna sa Bulacan and Ana, she’s maybe out of town now, somewhere over the rainbow.’’
‘’Ma’am Sam naman. Mahaba pa ang araw, siguro ngayon kaya pa namin pero mamayang tanghali baka bumigay na kaming lahat at pagsapit ng hapon dedo na kami.’’
‘’Grabe ka naman!’’ Tumayo siya mula sa swivel chair sa kanyang opisina at tumanaw mula sa labas. Kita niya ang kabuuan ng Mickey Dynamics mula doon, nasa loob kasi ng Semi Bar and Restaurant ang opisisina niya. Pagmamay-ari niya ang lugar bagaman nagtratrabaho siya doon bilang manager. Katapat ng Mickey Dynamics ang Funtlei Villa kung saan nagtratrabaho din ang Mama Bi niya. Ito ang may-ari ng Funtlei Villa na nasa loob ng April Residences sa lugar nila. Mag-isa nitong pinapatakbo and Hotel and Resort na iyon.
‘’Andami naman palang tao!’’ bulalas niya ng makita ang mga taong labas-pasok sa Dynamics. At ang karamihan ay nakaupo na at naghihintay ng maiseserve na orders nila.
‘’Ano ma’am? Naniniwala ka na? Sabi sayo toxic eh.’’ Napaismid ito. ‘’Kawawa naman beauty namin. Pero sige po, ayos lang kung kami lang. Kakayanin na lang namin.’’ Ngumiti pa ito bago tumalikod at lumakad na.
Bigla siyang nakadama ng konsensya. ‘’Yna, wait!’’
Pumihit ito paharap. ‘’Yes Ma’am?’’
‘’I can help you. Magseserve ako.’’
Napanganga ito sakanya. ‘’S-seryoso ka Ma’am?’’
She shrugged her shoulders. ‘’We have no choice.’’