Chapter 12

17 0 0
                                    

Nagising si Sam na kumakalam ang sikmura. Nang magmulat siya ng mga mata ay mukha ng isang Karlo Creen ang nabungaran niya. Nakaupo ito sa tabi niya.

''Doc, how is she?'' narinig niyang tanong nito.

''She's okay. Mamaya ay magigising na rin siya. Hinimatay siya dahil sa sobrang tensyong nararamdaman. Nga pala, girlfriend mo ba siya?''

''Hindi Doc. Siya yong nanalo sa Dating Center. Nag-d-date nga kami nung biglang himatayin eh.''

''Ah kaya naman pala.. Na-gets ko na kung bakit bigla siyang hinimatay. Akala ko kanina girlfriend mo. Anyway, mauuna na ako KC. Walang magbabantay sa clinic ko. Sige, maiwan ko muna kayo diyan.'' iyon lang at nakarinig na siya ng mga yabag kasunod ng pagsara ng pinto.

 Nang balingan siya ni Karlo ay nagulat ito. ''Whoa! Gising ka na pala.''

Hindi, tulog pa ako! Halikan mo ako para magising ako! Dali na!

''Kanina pa.'' umupo siya mula sa kinahihigaang patient bed. Nasa clinic siguro sila sa loob ng White Dates.

Hinimatay pala ako?! Baka sabihin pang sobrang head-over-heels akong inlove sa kanya kaya hinimatay nalang ako bigla. Aaaah! 'Kakahiya!

''I bet you're starving already.''

''H-ha?'' dinama ko ang sariling tiyan. Confirmed, kumakalam na nga iyon. ''Oo eh.''

''Kaya mo na bang tumayo?'' hinawakan siya nito sa isang kamay.

''Oo naman!''

Napatingin agad siya kamay niyang hawak  nito. Tila nakadama siya ng kuryente mula doon. Tumayo siya ng dahan-dahan. ''Kaya ko na. Sorry nga pala.''

''Okay lang 'yon. Naiintindihan kita.'' kumawala ang ngiti sa labi nito.

Sa hindi na niya mabilang na pagkakataon, napanganga na naman siya rito.

Ngiti ka ng ngiti, ano ka ba! Maiintindihan mo ba kung himatayin ulit ako dito ha?! Maiintindihan mo ba ha? Ha???!

''So, tara na?''

Nahimasmasan siya ng marinig ang boses nito. ''Oh! Oh.. Y-yes..''

Natawa ito. ''What's wrong? Kanina ko pa napapansing napapatulala ka. May problema ba sa akin?''

Oo, malaki! Tigil-tigilan mo ang sobrang pag-ngiti. At kapag ako nahulog sayo, naku hindi mo magugustuhan.

''W-wala naman. Tara.'' nagmamadali na siyang lumakad palabas ng Clinic. Nagsisimula na naman kasing tumibok ang marupok niyang puso. Baka hindi niya mapigilan ang sarili at mahalikan niya ito. Charing!

Nang makarating sila sa loob ng Restaurant ay tinginan ang mga tao sa kanila. Nahihiya man ay kinapalan nalang niya ang mukha. Inggit lang kayo! Heh!

''Ano'ng gusto mo? Order anything you want.'' wika nito nang makaupo sa naihandang table para sa kanila.

''Kahit ano nalang.''

''Jovie!'' tawag nito sa waiter. ''Ilabas mo nga lahat ng masasarap na Menu. Make it faster.''

''Sige po Sir.''

''S-sayo tong restaurant?'' manghang tanong niya.

''Yeah. I started managing this when I was still in college. Iniwan na kasi ni Papa sa akin ang business na ito since then.''

''Asan ba Papa mo?''

''Nasa England. May business na din siyang ipinatayo doon. Yung una naming Restaurant sa England,  I started managing it when I was still eighteen, nabilib sa akin ang parent's ko kaya ipinagkatiwala nila sa akin itong White Dates. And aside from this, may hina-handle din akong Company.''

''Wow naman. So, pareho pala tayo. May Restaurant din ako. Ako mismo ang Manager, ako nga may-ari niyon eh.''

''Talaga? So we both loves food huh?''

''Hindi naman masyado.''

Dumating na ang pagkain nila. Nagutom tuloy siya ng makita ang mga iyon. Tamang-tama, 'di pa siya nag-umagahan sa excitement kaya uubusin niya lahat ng pagkaing ito.

Kumuha siya ng steak. Malaki ang ginawa niyang paghiwa doon saka agad na isinubo iyon. Walang hiya-hiya, kain kung kain!

Hindi niya namalayang kanina pa pala siya pinagmamasdan ni Karlo. ''Kung kaya mong kainin lahat, okay lang.''

Nabitin sa ere ang pagsubo niya ng isa pang hiwa ng steak. ''S-sorry..''

Natawa ito. ''I said it's okay. Water?'' iniabot nito sa kanya ang baso na may tubig.

Napansin siguro nitong ni hindi na niya mabigkas ng maayos ang salitang ''sorry'' dahil puno ang bibig niya.

''Thank you.'' inabot ko iyon saka mabilis na ininom. ''Hindi ka ba kakain?''

''Kakain. Akala ko kasi ayaw mo mag-share eh.''

''Bakit naman ayaw ko? Sige. Kumain tayo.''

At kumain nga uli siya. Tahimik silang kumain.

''Samantha, pwedeng magtanong?''

''Sige. Ano yun?''

''Pero baka himatayin ka uli eh. Huwag na lang.''

''Hindi na, I swear!'' kumakain na ako, malakas na ako 'no!

''Huwag na. Saka nalang.''

''Sige.'' hindi na siya nagsalita pa.

''Grabe!'' bulalas niya nang matapos silang kumain. Nabusog siya ng bonggang-bongga. Parang hindi na tuloy siya makahinga. ''Akalain mo naubos ko lahat yan! Grabe! Sarap pala ng pagkain dito, ngayon ko lang nalaman.''

''Salamat. Sam, magtatanong na talaga ako. But I'm afraid himatayin ka ulit.''

''Hindi na. Sige, tanungin mo na.''

''May b--''

''Pwede pakiabot muna yung toothpick.'' wika niya. Hindi niya kasi maabot sa sobrang pagkabusog niya.

''Here.'' iniabot naman nito agad iyon.

''Thanks. Ano uli yon?''

''May bo--''

''Excuse me Sir KC, kailangan niyo na po ba yung desert meal?'' sumulpot mula sa kung saan si Jasmine.

''No. Busog na kami.''

''Okay po.'' nginitian pa siya nito bago umalis.

''Miss Sam.''

''Hmm?'' sagot niya habang nagtoo-toothpick.

''May bo--'' hindi nito naituloy ang sasabihin ng biglang mag-ring ang cellphone nito.

Two Lovers (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon