Papasok pa lamang si Sam sa Mickey Dynamics ay kitang-kita na niya ang abot-tengang ngiti nina Jade at Yna. ‘’Para saan naman ang mga maluluwag na ngiting ‘yan?’’
‘’Ah wala po Ma’am. Nakakita lang kami ng inspiration.’’
‘’Aba, ang aga-aga nanlalandi na naman kayo ng customer.’’
‘’Si Ma’am naman, kill joy lagi pagdating sa mga gwapings.’’ wika ni Yna.
‘’Hindi ako kill joy, ayoko lang sa iba.’’ sagot niya. Umupo siya sa swivel chair sa counter. Araw ng audit niya ngayon.
‘’Kasi po, kay Jun Pyo lang ang puso niyo?’’
‘’Ang galing mo naman, paano mo alam?’’
‘’Sa dami ng poster ni Goo Jun Pyo sa office niyo e, naku po malabong hindi ko pa ma-gets. Siya lang po yata ang laman ng isip niyo maghapon eh.‘’
‘’At laman ng puso niyo.’’ Dugtong pa ni Jade sa sinabi ni Yna.
Umingos lamang siya sa mga ito. Kahit kailan ay mga loka-loka talaga ang dalawang bruha. Nag-umpisa na siyang mag-audit ng pera sa counter. Napangiti tuloy siya ng maalala si Jun Pyo, that handsome man who always invade her mind. Tama ang mga bruha, ito lang naman talaga ang laging laman ng utak niya.
‘’Madami-dami yata kayong naging customer ah.’’ wika niya habang sinusulat sa mini pad ang mga perang na-audit niya.
‘’Kaninang umaga po doble pa dito ang kapal ng customer.’’
‘’Kung ganoon mapapa-aga ang Christmas bonus niyo sa akin.’’
‘’Kahit hindi na po!’’ sabay na impit na sigaw ng mga ito.
Napaangat siya bigla ng tingin. ‘’Ha? Sure kayo?’’
‘’Hinding-hindi na po, kami titfingin sa iba!’’ hiyaw ulit ng dalawa habang tila kinikilig na nakatingin pa sa kanya.
Napakunot-noo siya. ‘’Ha? Ano bang--‘’
Natigilan siya sa pagsasalita nang mapansin niya sa peripheral vision niya ang malaking rebulto mula sa kanyang likod. At nang balingan niya iyon ay pigura ng isang lalaki ang papalapit sa kanya. At hindi lang ito basta lalaki, gwapong lalaki ito. Matangkad, mukhang edukado at amoy-mayaman. Noon niya napagtanto na ito pala ang hinihiyawan nina Yna at Jade. Kaya pala nagboses malandi ang mga ito.
‘’Magkano sa table ko?’’ wika ng lalaki habang hawak nito ang cellphone sa isang kamay at isang kamay naman nito ay may kinakapa sa American Suit nito.
Magsasalita na sana siya ng may mapansin siya rito. Parang pamilyar sa kanya ang boses nito. Parang narinig na niya iyon somewhere. Inalis niya ang tingin sa lalaki at baka madapa pa ang puso niya at mapasubsob sa puso nito. Tinignan niya sa scribbling pad kung magkano ang bill nito. ‘’Five hundred bucks lang po, Sir.’’
Napakunot-noo siya ng walang sabi-sabing naglapag ito ng isang libong piso sa counter at saka ito tumalikod at naglakad na. Nagkatinginan silang tatlo roon.
Suplado ang mokong!
‘’Ma’am pa’no ‘yong sukli niya? Di ba may five hundred pa siya?’’ wika ni Yna, halatang na-turn off sa pinakitang ugali ng lalaki.
‘’Ewan ko nga eh. Sandali,’’ wika niya. Mabilis siyang tumayo at naglakad palabas ng counter. Ihahabol niya ang sukli ng lalaki. It’s better to be honest everytime. Good thing at hindi pa nakakalayo ang lalaki.
‘’Sir!’’ tawag niya rito. Tuloy-tuloy lamang ito sa paglalakad.
‘’Sir, ‘yong sukli niyo po.’’ Linapitan na niya ito ng husto.
‘’Sir--‘’ nabitin sa ere ang pagbuka niya ng bibig ng marinig ang pangalang sinambit ng lalaki sa kausap nito sa cellphone. Narinig na niya ang pangalang iyon, kagabi lang! Anjelie, hmm. Sounds familiar, huh!
Bumalik ang pagkainis niya. Nagkita pa sila ng hudas. Gusto yata ng tadhanang tuluyan ko na ang isang ito ah!
Noon din naging malinaw ang lahat sa kanya, ang boses at ang tindig nito ay pareho sa lalaking nambuwisit sa kanya kagabi. Napangiti siya ng simple. Pagkakataon na niya para bumawi rito. Hinarap niya ito.
‘’Ambait talaga ng Diyos at pinagtagpo pa ulit tayo, ano?’’ plastic ang ngiting inialay niya rito. ‘’Sayang nga lang at nang tangkain mong tumakas ay hindi ka nagtagumpay.‘’ tinitigan niya ito ng matalim.
‘’I know it has to be you again.’’ Suminghap ito ng hangin bago nito isinuksok sa bulsa ng suit nito ang hawak na cellphone. ‘’I like your smile, very reluctant and indisposed.’’
Nanlaki ang butas ng ilong niya sa galit. ‘’Ano’ng sabi mo--‘’
‘’Hindi ba’t sinisingil mo ako kagabi sa ginawa ko sayo?’’ putol nito sa kanyang sinasabi. ‘’Hayan na ang five hundred. Siguro ay sapat na iyong kabayaran sa ginawa kong hindi naman sinasadya.’’
‘’Linoloko mo ba ako? Kung hindi mo naitatanong ay mahigit sampung libong piso ang floral dress kong iyon--‘’
‘’Are you kidding me? Mura lang iyon.’’
Natigagal siya sa narinig. ‘’What?!’’
‘’Kumpara sa D&G na binibili ko sa States. And as regards to this situation, I’ll just call on my P.A to pay you four o’clock sharp this afternoon. If you’re not accepting checks then we can talk about it in my office at this place,’’ may kinuha ito sa side pocket ng suit nito at saka iniabot nito sa kanya ang isang calling card. ‘’I’m at Silver Entrepreneurs Enterprises tomorrow at nine am to eight pm, see me there and I’ll pay you hard cash if you’re willing to give me some of your time but if not, then lets just stop thinking about this. I hope we had an arrangement regarding to this condition. I’ll go ahead, jus’t promise me you won’t repay me by giving me much of your attention cause I don’t plead for it.’’ pagkasabi nito niyon ay umalis na ito.
Naiwan siya doon na nakanganga. Galit man ay walang magawang tinitigan na lamang niya ito hanggang sa maglaho ito sa kanyang paningin.
''Sinabing wag mo kong englishin! Hindi lang naman ikaw ang marunong ah! Arogante!'' sigaw niya kahit malabong marinig pa nito iyon.
We’re not yet through, you dimwit! Hiyaw ng nag-aalburotong utak niya.