‘’Wala ka na ba talagang ibang gagawin kundi guluhin lagi ang date ko?!’’ halata sa tono ng pananalita ni Kean na galit nga ito sa kanya. Hindi lang kasi iyon ang unang beses na sinira niya ang date nito kasama ng kong sinong babae. Nasa kotse sila nito at pauwi na sila. Galit ito matapos niyang istorbohin sa date nila ng girlfriend nito.
Suminghal siya. ‘’Tignan mo nga ako, anak ng patis! Nabasa na nga ako tapos ganyan ka pang magsalita sa akin ngayon--‘’
‘’Date iyon, alam mo ba?’’
‘’Alam ko. E bakit? Pwede mo namang i-cancel iyon ah tapos bawi na lang kayo next time, sa motel.’’ Ngumising-aso pa siya rito.
‘’Nandoon na ako, kaharap ko na siya tapos bigla kang tumawag nang naninigaw pa at sasabihin mo ring emergency, natural na humingi ako ng pasensya sa kanya at hindi na ituloy pa ang date. Sa lakas ng boses mo akala ko nasaksak na iyang mukha mo iyon pala natapunan ka lang ng kape.’’ Naiinis na nagpakawala ito ng buntong-hininga.
‘’Eh paano kasi nakakagalit ang lalaking iyon eh!’’ nanlaki na naman ang butas ng ilong niya ng maisip ang lalaking unggoy na iyon.
Asar to death!
‘’Isa rin iyang man-hater attitude mo ang perhuwisyo. Wala na kasing ibang matinong lalaki sayo kundi si Goo Jun Pyo mo na parang bakla lang.’’
Sinuntok niya ito sa balikat. ‘’Ang kapal mo ha! Hindi siya bakla, huwag mo ngang idawit ang hasban ko sa usapan. Iyong kumag na iyon lang ang nararapat mong kutyain.’’ Humalukipkip siya habang iniimagine na pinapakain sa buwaya ang lalaki. Pinagtawanan niya ang imahinasyon. ‘’Ang unggoy na iyon! Nakakainis siya!’’
Sinulyapan siya ni Kean. ‘’O, huwag ka ngang magmurang kamatis diyan. Pasalamat ka nga nagsorry pa iyong lalaki kahit sinabi mong mukhang mayabang at arogante.’’
‘’Excuse me! Hindi lang ‘’mukhang’’ ah, mayabang naman talaga iyon! Lalaki ba ang tawag sa ganoon? Siya itong tinapunan na nga ako ng kape tapos siya pa may ganang magalit at hindi daw niya kasalanan iyon. Duh! Kung hindi kasalanan ang ginawa niya sakin, para na rin niyang sinabing basurahan ako kaya sinadya niya iyon.’’
Hudas!
‘’Easy ka lang. Baka hindi talaga niya sinasadya. Baka hindi ka niya nakita..’’
‘’Hello?! Sa nagniningning kong kagandahan hindi ako malabong makita.’’
‘’Whatever it is atleast nagsorry na siya. Iyon ang mahalaga.’’ Suminghal ito. ‘’Ah, basta. You ruined my date so you have to pay me.’’
‘’Diyan ka naman magaling e. Pero mayaman ka na, hindi mo na kailangan ng pera.’’
‘’Kailangan ko iyon, may date kami bukas ni Queenet.’’
Mabilis pa sa alas kwatro na binalingan niya ito. ‘’Queenet? Bago na naman iyon?!’’
‘’Bah, syempre! Kailangan ko ng madaming reserba. Hindi ako magtatagal lang sa isa.’’
‘’Iyong kadate mo kanina, si Mariel ba iyon o si Gracely?’’
Tumawa ito. ‘’Ano ka ba cousin, matagal ko ng pinagsawaan ang mga iyon. Si Kc iyong kanina.’’
‘’H-ha? Eh di ba kasasabi mo lang noong isang araw na napasagot mo na sina Mariel at Gracely, pero bakit...?’’
‘’Kapal mo ha! Anong napasagot ka diyan. Baka kamo ako ang napasagot nila.’’ Nginisian siya nito. ‘’Buti pa ako liniligawan, di ba pinsan? Eh ikaw?’’
‘’Mas maganda nang walang lovelife kaysa mayroon nga, lokohan naman. Hindi naman laro ang pag-ibig.’’
‘’Weh, bokya ka lang kasi.’’ Tumitig ito sa kanya. ‘’Baka iyon na lang ang hinihintay mo cousin..’’
Hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagtitig nito sa kanya. ‘’Anong hinihintay na sinasabi mo?’’
‘’Basta maghintay ka lang.’’ nginitian siya nito. ‘’Hindi mo mahihindian ang best buddy kong iyon. Mas maganda pa iyon sa iyo. Ang baho mo.’’
Hinampas niya ito sa balikat. ‘’Anong sinasabi mo? Sino ang hindi ko mahihindian?’’
‘’Secret-- Ouch!’’ daing nito ng suntukin niya uli ito sa tagiliran. ‘’Just one more and I’ll throw you out of my car.’’
‘’Di gawin mo! Ano ba kasi ‘yon?’’
‘’Secret nga di ba?’’
‘’Tse!'' iningusan niya ito. ''Pakibilis na nga lang ang pagmamaneho dahil nangangati na ang dibdib ko.’’
‘’You mean,’’ nginisian siya nito. ‘’That one?’’ turo nito sa dibdib niya. ‘’Or should I mean, that two?’’
Nanlaki ang mata niya. ‘’Kean!’’
Ang lakas ng tawa nito.