Chapter 8: Blind date?! OH NO.

23 0 0
                                    

Tanghali na nang magising si Sam. Kahit inaantok pa ay pinilit niyang tumayo mula sa kama. Dumiretso siya sa kanyang banyo para doon maghilamos at mag-toothbrush. Nang matapos ay pahikab-hikab pa siyang humarap sa salamin para magsuklay. Maya-maya pa ay may kumatok sa kanyang pinto.

Lumapit siya para buksan iyon. ‘’O, ma.’’ wika niya. Ito ang kumakatok.

‘’Mabuti naman at gising ka na, anak.’’

‘’Sarap matulog eh. Kumain na ba kayo?’’

‘’Oo tapos na. Napagod ka siguro kaya tanghali ka na naman nagising ano?’’

‘’Hindi naman po. Nasarapan ko lang ang pagtulog. May sasabihin ka ba Ma?’’ saad niya. Kahit natutunugan na niyang mayroon nga itong sasabihin.

Pumasok ito sa loob ng kanyang kwarto. ‘’Mayroon, pero anak kasi..’’ napatitig ito sa kanya. ‘’Baka magalit ka.’’

Humalukipkip siya. ‘’What is it Ma? Ano ‘yong sasabihin mo?’’

‘’Wala anak.’’ nataranta ito. ‘’Mayroon! P-pero.. kasi..’’

‘’Kasi ano?’’

‘’Kasi--‘’

‘’Goodmorning cousin!’’ biglang lumitaw si Kean mula sa labas ng kanyang kwarto. Nakabihis pa ito na parang may gagawing kaaya-aya. ‘’Gising na pala ang pinakamaganda kong pinsan.’’

‘’Saan naman ang lakad mo?’’ wika niya habang hinahagod ang kabuuan nito. Naka-coat ito naka-slacks na tinernuhan nito ng pointed shoes. Bumagay rito ang suot nito. ‘’Mukha kang tao ngayon ah.’’

‘’Grabe ka naman!’’ tumabi ito sa kanya. ‘’Tita and I have something to tell you. Pero pangako mo oo lang ang sagot mo, kung hindi magagalit kami. Right Tita Bi?’’ baling nito sa kanyang Mama.

‘’Oo ba.’’

Napahinga siya ng malalim. ‘’Siguraduhin niyong good news iyan kung hindi pagbubuhulin ko kayo ng outfit mo ngayon.’’

‘’Hindi ba’t bestfriends na tayo simula’t sapol cousin?’’ nakakapagtaka ang lawak ng ngiti nito.

‘’Oo naman. Lawak ng ngiti mo ah, sakop pati Indonesia.’’

‘’Hindi ba’t noong mga bata pa tayo eh madalas din tayo mag-away kasi hindi mo ako pinagbibigyan kapag gusto kong maglaro tayo ng playstation? Puro ka kasi Barbie doll. Remember noong pinutol ko lahat ng ulo ng Barbie mo dahil kinagat mo ako sa balikat noon?’’

Natawa tuloy siya. ‘’Oo naman naaalala ko pa lahat. Sandali,’’ nameywang siya sa harap nito. ‘’Para kang nagpapaalam ah! Babalik ka na ba ng States, ha?’’

Umiling ito. ‘’Hindi ah! Sinasabi ko lang ito kasi gusto kong maalala mo kung paano ako magtampo noon kasi baka mangyari ulit iyon sa atin. Lalong-lalo na kapag umayaw ka sa gusto kong sabihin sayo ngayon.’’

‘’Syempre aayaw ako. Hindi naman ako papayag na umalis ka.’’

‘’Hindi nga ako aalis. Dito lang ako.’’ lumapit ito sa kanya at hinawakan siya nito sa balikat. ‘’Magagalit ako sayo ng husto kapag hindi mo ako pagbibigyan sa gusto kong mangyari. Serysoso ako, Sam.’’ tumitig ito sa kanya ng napakaseryoso. Napakatagal.

Napalunok tuloy siya sa kaba. ‘’O-oo na.’’

‘’Sigurado kang oo ang sagot mo? Promise me first.’’

‘’I p-promise.’’ binitiwan na nito ang paghawak ng mahigpit sa kanyang balikat. Nakahinga siya ng maluwag.

‘’I’m really expecting your yes for this matter, Sam.’’

Napaismid na siya rito. ‘’Ano ba kasi ‘yon? Ba’t nahihirapan pa kayong sabihin?’’

‘’Ipangako mo munang oo ang magiging sagot mo.’’

Hindi siya sumagot.

‘’Samantha Rivera!’’

Napairap siya. ‘’Eh paano ko masasagot ng oo eh hindi ko pa naman alam ‘yong sasabihin niyo.’’

‘’Basta ipangako mo munang oo ang sagot mo kahit ayaw mo.’’

‘’Duh! Ano kaya ‘yon? Paano kung ayoko nga?’’

Tinitigan siya nito ng matalim. Halatang naiinis na. ‘’Bahala ka na nga!’’ sinabayan na nito iyon ng pagtayo.

‘’Tama na nga ‘yan!’’ awat ng Mama niya. ‘’Kean tama na ‘yan.’’

‘’Isang beses na nga lang sa isang taon kung humingi ako ng kagustuhan sa kanya, umayaw pa. Okay. Wala ng pansinan ngayon ha!’’

Napatitig siya rito. ‘’Eh paano kasi natin malalaman kung ayaw o gusto ko kung hindi mo pa naman sinasabi. Kilala mo ako, wala namang hindi pagdating sayo eh.’’

Napatigil ito sa paghakbang palabas ng kanyang kwarto. ‘’Talaga?’’ linapitan siya nito. ‘’Gusto kong um-oo ka sa blind date na nai-set namin ni Tita Bi para sayo. Ngayon, ooo ka o gusto mong hinding-hindi na kita papansinin habang buhay?’’

Nakagat niya ang ibabang labi. Naku lagot, habang buhay daw! 

Hindi agad siya nakasagot. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Napatanga siya sa rito.

Two Lovers (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon