Chapter 13

8 0 0
                                    

KC'S POV

''May bo--'' hindi na niya naituloy pa ang sasabihin ng biglang mag-ring ang cellphone niya. Damn it! ''Wait. Sasagutin ko lang.''

''Sige.''

Tumayo siya agad at lumayo. Ang P.A niya ang tumatawag. ''God, Angelo! What a timing!''

''Oh sorry Sir. Magtatanong lang sana ako.''

''Ano?!''

''Galit ka Sir?''

''Hindi! Ano ba yun?!''

''Kumusta po ang date mo?''

Walang-hi@#! ''Tumawag ka para tanungin lang yan ha? For you to know, you're ruining it!'' marahas pero marahan na wika niya sa speaker ng cellphone niya.

''Ha? Why?''

Tinitigan niya ang hawak na cellphone. ''Damn it!'' saka naiinis na ipinindot ang end call button doon. Bumalik na siya sa table nila.

Ba't ba siya nagsasayang ng laway sa istorbong iyon?

''Sorry tumawag yong P.A ko.''

''Ano pala yung tatanungin mo?''

''Wala. Nevermind.'' Nasira na mood ko!

''Ah.. Sige..'' mukhang natakot yata niya ito sa sama ng mood niya.

''Oh, sorry. What else do you want? Desert? Water?''

''Busog na ako..'' wika nito, kasalukuyang nag-too-toothpick.

''Wala kang balak itapon yang toothpick?'' napansin kasi niyang kanina pa nito linalaro iyon sa ngipin. ''It's bad for the teeth. It can damage the gum tissue between your teeth by splintering or cause dental problems if you chew on them for a long time.''

Mabilis na itinapon nito ang hawak na toothpick. ''E-eh kasi 'yong..'' itinuro nito ang ngipin. ''Dito o. Karne..''

Natawa siya. ''Wag mong initindihin yan. Madali lang yan. Just gargle. Come on, I'll show you the CR.''

Tumayo na sila pareho. Nagtungo sila sa CR.

''Sige pasok ka na. I'll wait for you here.''

''S-sige. Salamat.''

Napabuga siya ng hangin nang makapasok na ito sa loob. Okay, Karlo. Take it slow boy.. Sampung minuto na ang lipas pero hindi pa rin lumalabas ng CR si Sam. So, he waited for another minute again, and yet wala pa siya.

Ilang karne ba ang kailangan niyang tanggalin? pakikipag-usap niya sa sarili. Napailing-iling ako. Babae siya, maraming siyang kailangang ayusin.

''Sir Kc!'' 

Binalingan ko kung sino ang tumawag sa akin. Si Jovie iyon. ''Yes?''

Linapitan niya ako. ''Paki-check lang daw po yung inayos nilang table ninyo kung okay na.''

''Ah sige. Sunod nalang ako.''

''Sige Sir.'' Pagkasabi niyon ay umalis na ito.

Sinipat niya ang sariling relo. Ma-t-twenty minutes na si Sam sa loob ng banyo. Baka may nangyari na rito!

Pero baka naman.. Nag-re-retouch lang. So, naghintay na naman siya ng ilang minuto. Pero wala pang Sam na lumalabas ng banyo. Naiinip na siya.

''Jovie!'' tawag niya sa waiter nang dumaan ito sa harap niya.

Agad namang lumapit ang lalaki. ''Yes Sir?''

''Maghintay ka dito. Dito kalang muna ha? Wag kang aalis hangga't di ako bumabalik. Maliwanag? I'll just check the table outside.''

''Yes po Sir.''

Two Lovers (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon