LMH Day! Here it comes! Yahooooo! :*
---
Oh my God! bulalas ni Sam nang marating niya ang Verandah ng White Dates. Iyon ang prestihiyosong Restaurant kung saan idi-ne-date ni Karlo Creen ang mga maswe-swerteng dreamer at die-hard fan niya.
Napahawak siya sa dibdib. Totoo ba 'to Lord? Pakisapak ako today!
Umupo siya sa two-table seat. Puno pa iyon ng red roses at may wine pa. Sosyal! Ah, ngayon lang niya napansing may carpet pala sa dinaanan niya. Grabe! Prinsesa lang?
Walang nakakaalam sa bahay nila na ganto ang pinuntahan niya. Ang tanging alam lang nila ay may appointment siyang dadaluhan. Walang dapat makaalam, lalo na si Kean. Baka itali siya niyon ng patiwarik, kasama yong unggoy niyang bestfriend.
Deym! Ba't ba niya iniisip yung unggoy na yun? Panira lang yun ng mood. Panira ng araw! Di niya dapat ito iniisip. Dapat siyang magpakasaya dahil araw niya ngayon.
ARAW ko ngayon. Kuha niyo?
Uminom siya ng wine para maibsan ang kabang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Jeez! Makaka-date niya si Karlo Creen. Ang isa sa mga sikat na look-alike ni Lee Min Ho!
Seryoso?
Di siya makapaniwala sa nangyayari ngayon. Paano kaya siya magrereact? Paano kaya siya magsasalita sa harap ng isang Karlo Creen? Paano kaya siya ngingiti ng hindi ito madidismaya? Baka ma-turn off siya..
Kinabahan tuloy siya ng makarinig ng mga yabag na paparating. OMG, eto na yata siya!
Napapikit siya sa kaba. Sabay kagat-labi pa. Oh Lord.. Help me! Ayoko na yata!
''Ah, Ma'am excuse me po--''
''Ay palakang tumalon!'' napahiyaw siya sa tensyong nararamdaman. ''Ay, sorry. Sorry akala ko kasi.. He-he!'' nginitian niya ang staff.
Bahagya niyang natapik ang noo sa nagawa. Deym! Nakakahiya!
Ngumiti rin naman sa kanya ang staff. ''Okay lang po, Ma'am. Pero ipinasasabi lang po nung P.A ni Sir Karlo na on the way na daw po siya.''
Si Karlo? My bebe? On the way palang?
Antagal!
''Ah sige.. Okay lang. I can wait.'' ngumiti siya para ipakitang okay na okay nga lang iyon.
''Salamat po Ma'am. Sige po.. Enjoy your date. Maiwan ko po muna--''
''Ay sandali!'' pigil niya rito nang magsimula na itong maglakad paalis. ''Dito ka muna. Pwede? Wala kasi akong makausap eh.''
''Ah.. po?'' Halatang nagulat ang staff. Napatingin ito sa loob ng Restaurant. ''S-sige lang po Ma'am..''
''Sige maupo ka muna dito.'' pinaupo niya ito sa kaharap na silya.
''Salamat po..''
''Asan na daw si Sir Karlo?'' tanong niya. Hindi niya alam kung bakit sa dinami-dami ng pwedeng tanungin eh, yun pa!
''Hindi ko po alam Ma'am eh, pero ang sabi ng P.A niya on the way na daw po sila. Baka malapit na po sila ngayon.'' nginitian siya nito. ''Alam niyo ba Ma'am? Ang swerte-swerte niyo, alam niyo bang andaming nagkakagusto kay Sir? Andami-dami nga ring nalilink na artista sa kanya kaso ayaw ata niya eh.''
''Talaga? Hindi pa siya nagkaka-girlfriend ng artista?''
''Hindi pa sa alam ko Ma'am eh. Pina-prioritize kasi ni Sir KC ang pag-mo-model niya eh.''
''O talaga?'' Ay sayang.. Artista nga di niya pinapatulan ako pa kaya?!
''Ang ganda niyo po Ma'am ah.. Pwede kayo pang-model ng shampoo, ganda ng hair niyo eh.''
''Hair lang?''
''Lahat po. Pati personality niyo. Kayo naman po!''
Nagtawanan sila.
''Tsaka Ma'am alam niyo ba? Pihikan kasi si Sir eh. Balita ko nga po eighteen palang siya nung last siyang magka-girlfriend, sa England. Nasaktan siguro siya ng sobra nang maghiwalay sila nung girl kaya ayaw na uli niyang magka-girlfriend.''
''O talaga?''
Buti nalang pinaupo ko to! Madami pala ako makukuhang impormasyones sa kanya eh. Sige, kwento pa! Sa isip-isip niya.
''Opo Ma'am, balita ko nga rin po mahilig siya sa mga babaeng magaling magluto, lalo na mag-bake ng cake. Marunong po ba kayo?''
''Naku, hindi eh. Pero I swear pag-aaralan ko yan! Para, alam na..''
Natawa ang staff. ''Ano nga po palang pangalan niyo Ma'am?''
''Samantha.'' Inilahad niya ang kamay.
Inabot naman nito iyon. ''Ako nga po pala si Jas--''
''Jasmine. What are you doing here?''
Sabay silang napatingin sa nagsalita. Halos mapanganga siya sa lalaking nasa likuran niya ng mga sandaling iyon.
Standing behind her now is a huge Man on a three fourths american suit shirt na tinernuhan ng slacks at black shoes. And wearing a handsome face!
Eto na ang babes ko! Mukhang mayaman, amoy-gwapo! Yummy!
Deym, how handsome this Man is! Parang hindi nakakapaniwalang nagsasalita ang isang ito!
Wala siyang magawa kundi mapatanga lamang rito.
''Ah Sir kasi.. Pasensya na po.. Sige po Ma'am mauuna na ako. Goodluck.'' dali-dali nang tumayo ang staff pagkasabi niyon. Tulad niya ay tila kinilig rin ang loka.
Kinakabahan na siya. Doble kumpara kanina. Lalo na nang umupo ang lalaki sa harap niya. Yumuko agad siya para itago ang hiyang nararamdaman niya.
Lord bigyan niyo po ako ng lakas ng loob para kausapin ang lalaking ito.. Bigyan niyo po ako ng tibay at lakas..
Tumikhim ito. Pero nagpatuloy lamang siya sa pagdadasal.
Lord ayoko pa pong mamatay.. Huwag niyo po akong hahayaang ma-stroke ngayon, o ma-heart attack. Huwag niyo po akong bibiglain..
Tumikhim ulit ito sa pangalawang pagkakataon. But she just kept on praying.
Lord.. Kayo na po ang bahala sa akin. Alam ko pong mahal niyo ako at di niyo ako pababayaan.. At kung mamamatay man ako ngayon.. Kayo na po ang bahala sa pamilya ko at sa mga maiiwan ko..
''Hmmm. Hi Samantha.''
Inangat niya ang ulo at tinignan ito. Ngumiti ito sa kanya.
Mabilis siyang yumuko para itago na naman ang magkakahalong kaba at tensyon at kilig na nararamdaman niya.
Sakto pang tumugtog ang love song sa booth.
Syeeet na malagket!
OMG! Lord.. Tulad ng sinabi ko kayo na po ang bahala sa mga maiiwan ko.. Kayo na po ang bahalang magdesisyon kung kukunin niyo na po ako ngayon.. Lord di ko na po kaya to! Grabe na po ito Lord! Kayo na po Lord.. Kayo na pong bahala sa lahat-lahat..
''Samantha..''
Inangat uli niya ang ulo. Lakas-loob na tinignan niya ito.
''Can I ask something?'' titig na titig pa ito sa kanya.
Kinilabutan tuloy siya. ''Y-yes?'' nauutal na wika niya.
Lord.. Kayo na po talaga ang bahala.. Kayo na po talaga Lord!
''May I have this dance?'' sabay ngiti.
AMEN!
Hindi na niya nakayanan ang kilig na kanyang nararamdaman.
AT HINIMATAY NA NGA SIYA.
