KC'S POV
Pagpasok pa lamang ni KC sa loob ng White Dates nang marinig niya ang mga ingay na mula doon.
''You pathetic bitch!''
Napakunot ang noo niya. Parang may away!
Mabilis ang ginawa niyang paglakad. Nang tignan niya kung ano iyon ay may nag-aaway nga. Kitang-kita niya ang pagbasag ng pinggan ng nakatalikod na babae sa kaharap nitong babae na panay naman ang ilag. Nanlaki ang mata niya nang makitang si Sam ang babaeng iyon.
''Samantha!'' mabilis niyang nilapitan ito. ''Hey, what's happening here?!''
''Yang babaeng yan! Akala mo kung sino!'' inawat niya si Sam nang akmang susugod na naman ito. ''Hoy, ikaw ha! Akala mo kung sino ka!''
''Sam, stop it. Ano ba kasing problema?''
''Yan!'' tinuro niya ang babae. ''Akala mo kung sinong maganda!''
Tinignan niya kung sino ang babaeng kaaway ni Sam. ''Ano'ng problema--'' hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang makilala kung sino ang babaeng iyon.
Uh-oh!
''Yeah babe, it's me.'' mapang-akit ang ngiting pinakawalan nito. ''It's been a year huh?''
''A-Anjelie.. Anong ginagawa mo dito?''