Chapter 16

11 0 0
                                    

Sam's POV

''Yeah babe, it's me. It's been a year huh?''

''A-Anjelie.. Ano'ng ginagawa mo rito?''

Nagpalipat-lipat ng tingin si Sam kay Karlo at sa babaeng mayabang. Naguguluhan siya, teka! Magkakilala ang mga ito?! What the?!

Hindi ito maaari, akin lang si Bebe Karlo! Tsaka teka, ano ulit? Anjelie?! Parang narinig ko na ang pangalang iyon mula sa kung sino ah!

''Surprised?'' tumaas pa ang isang sulok ng labi ng babae na tila natatawa. ''Hah! Are you with her?'' hinagod nito ang kabuuan niya. ''Looks like your getting along with your maid huh?''

Napanganga siya. Ano raw, maid?! ''Ano'ng akala mo sakin, katulong?!'' Hinagod din niya ang kabuuan nito. ''Eh ikaw, siguro naiwan ka sa aattenan mong lamay kaya wala kang ibang magawa kundi guluhin ang ibang tao!''

Tumawa ang babae. ''Karlo, pagsabihan mo yang katulong mo ha? Tell her who am I. Para matigil na siya sa kakabunganga niya.''

Aba! Aba! ''Who am I mo mukha mo! Wala akong pakialam kung sino ka! Hindi ako katulong, ka-date niya ako!''

Ka-date niya! Ka-date! At bukas girlfriend na niya ako, next week fiancée na niya at di magtatagal magpapakasal na kami! Naiintindihan mo?!

''Oh, I guess you're that lucky girl who won the LMH look-alike date, am I right? So, ikaw pala yun. Karlo, what a waste of time naman..''

''Ano?! Eh ano ngayon--''

''Samantha, let's go--'' hinila na siya ni Karlo paalis sa lugar na iyon.

''Ang yabang mo ah! Sino bang pinagmamalaki mo?'' sigaw niya rito. ''Pinagmamalaki mo yang mukha mo? Yang yaman mo? Pwes hindi yan--''

''Sam, come on!''

''Sandali,'' kumalas siya mula sa pagkakahawak ni Karlo sa kamay niya at binalikan niya ang babae. Hinarap niya ito at iniamba ang kamao rito. ''Ang yabang mo naman magsalita! Di pa tayo tapos--''

''Sam, I'm begging you. Halika na!'' wala na siyang nagawa nang hilahin siya ni Karlo palayo sa babaeng mayabang. ''Hoy, magkikita pa tayo ha!'' sigaw pa niya rito.

''Okay, hihintayin kita!''

''Aba at sumasagot pa tong--'' babalikan na naman sana niya ulit ito nang bitawan siya ni Karlo at harangin siya nito.

''Awat na.'' magkasalubong na ang kilay nito.

Napatitig siya rito. Nawala tuloy ang galit niya nang matitigan ang gwapong fezlak nito. Oh may gas! Akin ka nalang kasi, promise I'll shut up forever!

''Tara na.'' hinila na ulit siya nito.

Nakangusong tinignan niya ang babae sa huling pagkakataon.

Pasalamat ka gwapo 'tong kasama ko ngayon, kung hindi masasaktan ka! Sa isip-isip niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Two Lovers (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon