Chapter 1: XXXXX

260 5 2
                                    

‘‘Hoy bruha! Kanina ka pa nakatunganga riyan.’’

Napakislot si Sam sa untag na iyon ng pinsan niyang si Kean. Nakahiga siya sa sofa sa mahaba nilang sala at pinapanood niya ang kinababaliwan niyang Boys Over Flowers.

‘’Huwag mong sirain ang konsentrasyon ko kay Papa Jun Pyo kundi sabunot ang aabutin mo sakin!’’

‘’Asa ka pa. Bakla iyan.’’

‘’Inggit ka lang!’’

Hindi na lamang niya pinansin ang pang-aalaska nito. Alam naman niyang hindi ito matatahimik hanggat hindi nito naisasaksak sa utak niya ang opinion nitong bakla ang ultimate crush niya. Pailing-iling pa ito habang papasok sa Main Kitchen. Iningusan lamang niya ito.

‘’How’s my baby?’’ maya-maya ay nakita niya ang Mama Bianca niya. Naka-sumbrero ito na ang design ay bulaklak at at may gwantis ang dalawang kamay. Sigurado siyang galing na naman ito sa Garden nito. Her Mom loves flowers, walang duda iyon dahil lahat ng damit at gamit nito ay bulaklakin.

‘’Mama naman, hindi na ako bata.’’

Hindi nito pinansin ang sinabi niya. ‘’You’re watching Jun Pyo, again?’’

‘’I’ll never get enough, he’s the sweetest drug.’’ Napangiti siya sa kawalan sabay yakap ng mahigpit sa akap niyang unan.

‘’Tita, ipa-psychiatric test mo na kaya iyang pinsan ko? Kinakabahan na ako baka mabahiran ng kaek-ekan ang lahi natin. Sayang pa naman ang gandang lalaki ko kapag nagkataon.’’

‘’Hoy ang kapal mo ‘no!’’

Natawa ang Mama niya. ‘’Tama naman si Kean anak eh, mukhang lumalalim na ang pagtingin mo sa lalaking iyan mamaya maobsess ka paggising naming isang araw nasa Korea ka na at hinahanap mo na si Jun Pyo.’’

‘’Duh, ako pa! Hindi malayong mangyari iyon. Kaunting kabaliwan na lang Jun Pyo mapapasakin ka na!’’ Humalakhak pa siya.

‘’Eto naman kung makapagsalita akala mo kung type siya. Hanggang pangarap ka lang diyan. Hindi kayo bagay niyan, ni hindi nga marunong mag-english ‘yan eh!’’

‘’Eh di papasok ako sa Tutor School para matutong mag-korean. Problema ba yon? Ikaw talaga, hayaan mo na nga kami ni Jun Pyo! Moment namin to bakit ka ba nakikialam? May paghanga ka yata sa kanya eh.’’

‘’Ako?’’ natatawang tinuro nito ang sarili. ‘’Mas lalaki pa ako kaysa diyan no! Patayin mo na nga yang Koreanese na yan. Este iyang Tv.’’

Napakunot-noo siya. ‘’Koreanese?’’ Ano yon?’’

‘’Hindi mo pa alam, ang simple-simple eh. ‘Yon yong mga mamamayan ng Korea tulad ng Chinese, Vietnamese, Koreanese at Singaporeanese.’’

Natawa ang Mama niya mula sa labas. Napasinghal na lamang siya. Kahit kailan ay siraulo talaga ang pinsan niya. Ibinaling na lamang niyang muli ang tingin sa screen ng tv. Tinitigan niya ng mataman si Jun Pyo, his eyes are so beautiful. And that magnetic smile, that pinkish lips, and that perfect shaped nose. He’s an angel in disguise!

Itinutok niya ang mga mata sa tv ng umabot na sa favorite part niya ang eksena.

‘’Hindi ka nga maganda pero ikaw ang unang babaeng napansin ko.’’

Pagkarinig niya sa binitiwang linya ni Jun Pyo ay napahiyaw na siya sa sobrang kilig. ‘’Jun Pyo, anakan mo ako!’’ Umalingawngaw pa yata ang boses niya sa buong lugar nila.

‘’Ano ba yan Sami! Kakaiba ka talaga sa lahi natin!’’ nakita niya ang ulo ni Kean na dumungaw mula sa bintana ng sala nila. Nasa labas na ito kasama ang Mama niya at marahil ay namimili ng ornamental plants na itatanim.

‘’Ano bang pakialam mo?’’ angil niya.

‘’I’m just being concern and aware cousin. You know? Kailangan na kasing dalhin ka sa mental o ipangasawa ka sa Noypi. Di ba, tita? Kumusta pala yong ipapa-blind date mo sa kanya?’’ huli na ng takpan nito ang bibig. Hindi na nito mababawi pa ang sinabi. At narinig niya iyon. Nakita niya ang pasimpleng pagsiko ng mama niya rito at ang halatang pagpipigil nitong sabunutan si Kean.

‘’Ano? Anong sabi mo?’’ hinablot niya ang remote mula sa table stand at saka hininaan ang sound ng tv. ‘’Blind date? Sakin?’’

‘’Si pinsan naman, nakakabingi ba talaga kapag inlove? Hindi naman blind date yong sinabi ko e. Love is blind kako.’’ halatang plastik ang ngiting pinakawalan nito.

He’s lying!

‘’Dalamwampu’t apat na taon na kitang pinsan, Kean! Kilala na kita. Ultimo hininga't utot mo alam kong ibig sabihin! Wag kang magsinungaling! Ano yong blind date na yon ha? Tell me!’’ binalingan niya ang Mama niya. ‘’Ma?’’

‘’He’s just joking, right Kean?” saad ng Mama niya.

Tumayo siya mula sa sofa at lumabas siya ng pinto. Hinarap niya ang dalawa. ‘’Sabihin niyo na. I won’t get mad.’’ Kunwari ay okay lang sakanya. Humalukipkip siya.

‘’Wala nga yon anak. He’s just tricking you.’’

Alam niyang hindi niya mapipilit ang Mama niya na magsabi ng totoo. Alam niyang mababaw lang ang konsensya ni Kean pagdating sa kanya.

Tinitigan niya ng matalim si Kean. ‘’What is it Kean? Are you going to tell me or not? Hindi ako magagalit. Just tell me.’’

Nagkatinginan ang dalawa. Hindi makakapagsinungaling ang mga ito sa kanya dahil hindi din naman siya titigil hanggat hindi niya nalalaman ang totoo.

‘’Okay, it’s true.’’ He sighed. ‘’Pero huwag ka munang magalit, para naman sayo yon eh. Para matigil na ang kahibangan mo sa Koreanese na iyon.’’

‘’Mama naman!’’

‘’O, wag mo pagbintangan si Tita Bi. Ako ang may pakana nun. Ako ang nag-isip non kasi naaawa lang naman ako kay Tita e, wala ka na ngang nagiging boyfriend tapos sa Koreanong malandi ka pa nagkagusto. I mean,’’ linapitan siya nito. ‘’Sam, he’s out of reach! Wake up!’’

Binato niya sa mukha nito ang hawak na unan. ‘’Lintik ka! Bakit ba napaka-kontrabida niyo sa buhay ko? Ayoko sa blind date na yon! Hindi niyo ako mapipilit!’’

‘’Ano ka ba! Maawa ka naman kay Tita Bi, Sam. Gusto mo bang hindi siya magkakaroon man lang ng apo? Hindi ako magkakaroon ng pamangkin. Mas lalong hindi kami papayag non.’’ Kumuha ito ng ornamental plant na naka-paso. ‘’Tulad mo itong bulaklak, sa ngayo’y ang ganda-ganda at tunay na nakakahalina, kung hindi ka mag-aasawa, walang mag-aalaga sayo at tiyak papangit ka at tatandang mag-isa. Gusto mo ba ‘yon?’’

‘’Mas gugustuhin ko na lamang tumandang mag-isa kaysa magpakasal sa taong hindi ko mahal!’’

‘’Sinong magpapakasal? Blind date pa lamang to, Sam. Wala pang proposal. Excited ka?’’

‘’Kahit ano pa man yan, basta ayoko. Ayoko. Ayoko!’’ mabilis ang mga hakbang na pumasok na siya sa loob ng bahay.

Sinundan siya ni Kean. ‘’You’re not getting any younger, cousin.’’

Gusto na niyang mabwisit ng sobra sa mga ito dahil sa sobrang pakikialam ng mga ito sa buhay niya. Tumakbo na siya paakyat ng hagdan habang sumisigaw ng ‘’I’m only twenty four!’’

****************

Comment and suggest! TY. :))

Two Lovers (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon