Napaismid si Sam ng ihinto ni Kean ang kotse nito sa parking lot sa tapat ng PikaJoe Bar. Alas otso na ng gabi at ngayon ang pinakamasuwerteng gabi ng makaka-blind date niya. Hindi pa niya naranasang makipag-date sa tanang buhay niya. Minsan lang din kung magbar siya kasama pa niya ang Mama niya. She has no idea what to say, what to do, how to act.
Sigurado siyang matu-turn off ang kadate niya ngayong gabi. Pero swerte pa rin ito at ito ang magiging first date niya. Yinuko niya ang damit niya, naka-cocktail gown siya at flat sandals. Kinulot din ang buhok niyang hanggang baywang ang haba. Nagpaganda ba siya para lang magustuhan siya ng ka-date niya? Mali, supposed to be ay nagpaka-chaka siya para hindi siya nito magustuhan. Mas lalong napaismid siya sa naisip.
‘’Iyang nguso mo, Sam.’’
‘’Do I really have to do this?’’ pasinghal na wika niya rito.
Binalingan siya nito. ‘’Ang tanong, should you complain?’’
Umingos siya. ‘’I swear pagkatapos nito kakalimutan ko ng pinsan kita.’’
‘’Sobra ka naman! Tara na nga hinihintay ka na ng best buddy ko.’’
‘’Kayo na lang kayang magbestfriend ang magdate? Siguro pangit ‘yang bestfriend mo at walang nagkakagusto sa kanya kaya pinagkasundo niyo na lang sa akin, ano?’’
‘’Kakainin mo iyang sinabi mo kapag nakita mo siya. Pinsan naman, alangang ipagkasundo naman kita sa reptilya lang. Dapat ‘yong artistahin na. ‘Yong mas gwapo kay Jun Pyo mo di ba?’’
Iningusan niya lang ito. ‘’We’ll then see.’’
Lumabas na sila ng kotse nito. They headed out at PikaJoe Bar. Ewan niya pero habang papalapit sila sa naturang bar ay nakakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam. Pakiramdam na parang naramdaman na niya dati. Pakiramdam na ayaw niyang maulit muli. Pinalis niya sa isip iyon at nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad. Tumigil sila sa harap ng Bar.
‘’Let me check your mode first.’’ hinarap siya nito. ‘’Ayusin mo ‘yang nguso mo baka pagkamalan pa nilang sabitan ng sandok. Ngumiti ka.’’
Ngumiti siya ng pilit. ‘’Like this?’’
‘’Bruha! Dapat ‘yong ngiting tao.’’
‘’Ah, this.’’ pinakawalan niya ang ngiting nagpabagsak sa career ni Angel Locsin.
‘’That’s it!’’ sinipat nito ang outfit niya. ‘’’Yang ruffles ng damit mo ayusin mo.’’
Inayos nga niya iyon. ‘’Masyado namang perfectionist iyong bestfriend mo kung pati ruffles ng damit ko gusto niyang laging nasa lugar.’’
‘’Just do what I say nalang, okay?’’
Pumasok na sila sa loob ng Bar. Medyo maingay doon at medyo marami ring tao. Bumalik ulit ang pamilyar na pakiramdam na iyon na kanyang naramdaman. Hindi na lamang niya iyon pinansin. Dala lamang siguro iyon ng nerbyos.
‘’Nakita ko na siya.’’
Binalingan niya si Kean. ‘’S-sino?’’ tanong niya kahit alam na niya kung sino ang tinutukoy nito.
‘’Come on. I’ll show you to him.’’ hinila siya nito sa kamay.
‘’Sandali, masyado kang excited. Kinakabahan ako eh.’’
Tumawa ito. ‘’Kitamo? Hindi mo pa nga nakikita eh kinakabahan ka na. How much more kapag nakita mo na siya?’’
‘’Itatali kita ng patiwarik pag-uwi mo sa bahay sa ginagawa mong ito sa akin, Kean!’’