Napapangiting tinitigan na lamang ni Bim ang hawak na cellphone. Bagama’t may aftershock pa siya sa ginawa niyang pakikipag-away sa babaeng paborito ang floral dress ay hindi pa rin niya maiwasang mapangiti sa nangyari. Hindi siya makapaniwalang ganoon ito katapang dahil lang sa issue sa kape na pinag-aawayan nila. Wew. That girl must be up to something. Totoo yatang may gusto ang babaeng iyon sa kanya dahil noong sinabi niyang nagpapapansin ito ay nainis ito at ng sinabi naman niyang hindi niya ito type ay nagalit ito ng husto. Nasaktan yata niya ito.
Noong nakita niya ito sa Mickey Dynamics ay hindi niya inaakalang ito ang babaeng unang nakaengkwentro niya ng gabing natapunan niya ito ng kape. The girl is beautiful, na-attract siya nang makita niya ito sa counter. Honestly, pagkakita pa lamang niya sa babae ay hindi na niya matanggal ang tingin niya rito. Sinamantala niya ang pagkakataon, nang ito na ang nakaupo sa counter ay excited pa siyang lumapit rito para magbayad. At nang marinig na niya ang boses nito ay halos mapatanga siya rito. Nakilala agad niya ang boses nito. Hindi niya inaasahang siya iyong babaeng natapunan niya ng kape. Dahil sa gulat ay agad na nailapag niya ang isang libong piso sa counter na hindi man lang nakaka-pag thank you rito. He even forgot his change which bring them to violent encounter again. Nabosesan siguro siya ng babae ng may kausap siya sa cellphone kaya walang takot na hinarap siya nito at tinitigan ng matalim. Imbes na mainis siya rito ay hindi niya magawa dahil hindi niya matanggal ang tingin sa babae.
God she’s so cute when she’s angry!
Hindi niya mapigilang mapangiti lalo pa at naaalala niya ang mukha nito. Iyon ang mukhang hindi kailanman kayang kagalitan dahil kahit galit na galit na ito ay naaliw pa rin siya sa pagtitig rito. Hindi niya alam kung bakit niya naiisip ang babae ngayon, basta nahuli na lamang niya kanina ang sariling nakangiting nakatitig sa kanyang cellphone. Para siyang baliw, alright. Ang mga ganoong style ay para sa mga teenagers lamang pero wala siyang pakialam. Kung may makakakita man sa itsura niya ng mga sandaling iyon ay siguradong pagtatawanan siya niyon pero wala siyang pakialam, ang saya ng pakiramdam niya.
He sighed. Hindi siya tanga para hindi matukoy ang nararamdaman niyang iyon. May paghanga na siya sa floral girl na iyon. Hindi naman malabong mangyari iyon dahil ang cute-cute nito kapag nagagalit. Nagkaroon tuloy siya ng cras dito. Kailan kaya niya makikita ulit ang dalaga? Siguro kapag may appointment na naman siya sa Villa.
Napapitlag siya ng maalala niya si Anjelie. Magkikita sila nito dahil may appointment sila para sa business na binabalak nilang itayo. Mabilis siyang tumayo at saka niya kinuha ang coat niya sa mini-sofa sa living area ng kanyang opisina. Muntik na niyang makalimutan ang oras niya kakaisip kay floral girl.
Lumabas na siya ng kanyang opisina.
Pero hindi ko pwedeng ipakitang may gusto ako sa’yo, floral girl. Paaaminin muna kita. Bigla niyang nawika sa sarili.
********
comment and vote po! TY. :)))