Chapter Three: Burn

9.1K 329 35
                                    


Chapter 3:[Burn]


Nimphane's POV


Napaupo ako sa bench dahil sa pagod. Hingal na hingal kong kinuha ang tubig sa plastic at ininom ito. Nasaan ba ang dorm area ng school na ito? Kanina pa ako paikot-ikot sa campus pero hindi ko parin makita.



May dalawang babaeng dumaan sa akin na naguusap. Pwede na sila sigurong pagtanungan 'no? Lumapit ako sa kanila at tinapik ang balikat ng isang babae.Humarap naman sila.



"Excuse me po. Pwede pong magtanong? Nasaan po ang dorm area ng school na 'to?"Tanong ko sakanila.



"New student ka dito?" Tanong niya kaya tumango ako.



"Sama ka nalang sa amin.Papunta 'rin naman kami doon. "Sabi niya."Sige" Nakangiti ko'ng sabi at nagsimula na kaming maglakad.



Umikot kami sa likod ng mga buildings kaya kumunot ang noo ko. Puro matatayog na baging at mga pader ang nandidito ah.



Lumapit ang dalawa sa pader at bigla itong bumukas at tumambad sa amin ang napakagandang building. Napakalaki rin nito at nakapataas. Kaya pala hindi ko makita ang dorm kasi naka tago pala. Dumeritso na kami sa dorm. Nagpasalamat naman ako sa dalawa dahil sa pagturo at pagsama nila sa'kin.



Hinanap ko na agad ang room 011. Nasa second floor pala ito kaya kinuha ko ang ang susi sa white folder at binuksan ang pintuan. Pagbukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin ang napakagandang kwarto. Para itong nasa fairytail.



Pumasok ako sa loob at sinira ang pintuan. Sabi ng dalawang babae kanina ay sa isang room ay tatlo ang nakatira, bale may dalawa pa akong makakasama rito.



"Hello?May tao po ba rito? "Sambit ko habang palinga linga kung may tao.



Bigla namang nalaglag ang mga gamit sa mini table dito sa sala kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko.



"I'm not joking." Pinilit ko na maging seryoso sa kabila ng aking kaba.

Elegent Academy (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon