Chapter Six: Water Goddess

7.2K 311 21
                                    

Chapter Six: Water Goddess


Nimphane's POV


Ilang araw na ang nakalipas ng mapadpad ako dito sa Elegent Academy. Maraming nangyari at isa doon ang hindi ko malimot limot hanggang ngayon. Ang banta sa akin ni Gaius, pero sa kabila ng banta niya ay 'di ko maiwasang iimagine ang mukha niya. Almost perfect kasi ang mukha niya at hindi ko ikakaila na gwapo siya. Pagtitilian ba naman siya ng mga babae sa school na ito kung panget siya?



Biglang bumukas ang pintuan ng aking kwarto at niluwa nito si Xanthe at Devine.



"Uy iniisip niya naman si Gaius, aminin mo na kasi na crush mo siya Nimp." Panunukso sa akin ni Xanthe habang papalapit sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.



Naging komportable narin ako sa kanila. Kung tutuusin mula ng una kong pasok dito ay naging close na agad kami. Namiss ko tuloy si Kamala. Sana ok lang siya, hindi pa naman niya alam kung nasaan ako at tiyak ko na nagaalala na iyon dahil tinupok ang bahay namin at hindi na niya ako mahahanap. Naalala ko sila mommy at daddy. I missed na them so much. If only I can rewind all of these, I could've warned them.



Hinawakan ko ang kwentas ko at tumingin sa malayo. Sana ang kapangyarihan ko nalang ay mabuhay ng mga lumipas na o 'di kaya ay makapag time travel para mabago ang nakaraan.



"Natutulala ka na naman Nimp at ano yang kwentas na iyan?" Pagbabalik sa akin ni Devine sa tamang wisyo.



"Ah eto?" Turo ko sa pendant. "Bigay 'to ni mommy bago niya ako patakbuhin sa gubat." Sagot ko habang nanggigilid na ang mga likido sa gilid ng aking mata.



"Nasaan sila ngayon?" Tanong nila ulit sa akin.



"Huli kong nakita si mommy ay ang gabing nilusob ang bahay namin ng DEC, si daddy naman ay hindi ko na nakita ng gabing 'yon. Hindi ko alam kung buhay pa ba sila o . . ." Tuluyan ng bumuhos ang mga emosyon at ang luha ko. Naramdaman kong niyakap ako ng dalawa. Ngayon lang ako nagopen ng ganitong topic sa kanila pero ramdam kong komportable akong magsalita sa harap nila.



"It's ok Nimp. Nandito lang kami." Sabi ni Devine habang hinahagod ang likod ko. Naalala ko talaga sa kanila ang mga kaibigan ko sa mortal world lalong lalo na si Kamala. My very best friend pero nandito na sila Devine at Xanthe para pumuna nito. Kumalas kami sa pagkakayakap at nagtawanan sa mga ekspresiyon ng bawat isa.

Elegent Academy (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon