Chapter Seventeen: Piggyback Ride

4K 165 12
                                    


Chapter Seventeen: Piggyback Ride


Nimphane's POV



Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha. Minulat ko ang aking mata at nilibot ang aking paningin. Andito parin kami sa gubat. Dahan-dahan akong umupo. Hinanap ko ang mga kaibigan ko pero wala sila. Agad akong tumayo at hinanap ang aking mga kaibigan pero hindi ko sila makita.



"Guys? Where are you!" Sigaw ko habang palinga-linga kung nasaan sila.



"Nimphane?"Nagmumula ang tinig sa likuran ko kaya nilingon ko ito. Napangiti naman ako ng mapagtanto ko na si Cherlindrea ito.



"Cher." Sabi ko at patakbong lumapit sa kanya pero kumunot ang noo ko dahil bigla itong tumakbo palayo.



"Cher, saan ka pupunta!" Sigaw ko sa kanya at sinundan siya ng patakbo pero hindi ito lumingon bagkus ay mas binilisan niya pa ang kanyang takbo hanggang sa mawala siya sa paningin ko.



"Cher!"Sabi ko habang hingal na hingal na napa-upo.Hawak ko ang tuhod ko habang inaabutan ang aking hininga. Lumitaw naman sa isang puno si Ji,Geordi at si Emru na nakatingin sa akin ng diretso.



"Guys!" Sabi ki sa kanila pero sinamaan nila ako ng tingin. Bakit? Akmang lalapitan na ako sa kanila pero bigla silang naglaho. Bumuntong hininga ako at nanggilid na ang mga luha sa aking mga mata.Bakit sila nagkakaganito? Biglang may bumulusok na kung ano sa aking likod at timamaan nito ang aking balikat.



Napasigaw ako dahil sa sakit at kirot nito kaya napahawak ako sa balikat ko at natumba. Nilingon ko kung sino ang may gawa 'nun at nagulat ako dahil si Gaius ito at nakangiti ng mala demonyo.



"Bakit mo ginawa 'yon!" Sigaw ko sa kanya habang namilipit sa sakin sa ginawa niya.



"Bagay sayo yan! Demonyo ka!" Sigaw niya at nagpalabas ng malaking fire ball.



"Mamatay kana! Ahhhhh!" Sigaw niya at ihahampas na sana sa aking ang malaking fire ball pero.

Elegent Academy (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon