Chapter Four: Awakening the Power

8.2K 290 43
                                    


Chapter Four: Awakening the Power


Nimphane's POV


Pinabalik kami sa kanya-kanyang dorm matapos ang pagsabog na naganap kanina lang. Pina cancel narin ang mga natitirang klase ngayon dahil sa pangyayari. Dumeritso nalang ako pabalik sa dorm, pagkapasok ko palang sa kwarto ko ay agad kong hinagis ang katawan sa kama at nagpagulong-gulong. Napatingin ako sa kisame at tulalang iniisip ang nangyari kanina, bakit may pagsabog? 



Nasa malalim akong pagiisip ng may kumatok sa pintuan. Agad bumalik sa tamang pag iisip at napabalikwas sa pagkakahiga. Agad akong lumapit sa pintuan at pinagbuksan ito, si Devine.



"Tawag ka ni head mistress." Sabi niya.



"Bakit daw?" Tanong ko sa kanya. Naghalupikpik naman siya at tinaasan ako ng kilay.



Anyari sa kanya?



"Aba malay ko. Ako ba si head mistress?" Taas parin ang kilay niya. Maldita talaga nito.



"Ah sige." Sabi ko at lumabas na ng kwarto. Bumaba ako sa sala, dinatnan ko si Xanthe na nilalaro ang kamay niya. Humarap naman siya sa akin na parang naawa sa akin



"Gustong gusto pa naman kitang kadoormate kaso mawawala ka lang naman agad." Paiyak na sambit ni Xanthe.Bakit?



"Ano bang sinasabi mo Xanthe?"Nakakunot noong tanong ko sa kanya.



"Kapag pinatawag kana ni head mistress, it's either paalisin ka dito sa Elegent Academy o ipapatapon ka sa dark forest." Pananakot niya sa akin.Natulala ako at biglang tumindig ang mga balahibo ko sa katawan. Bigla naman akong tinulak ni Devine palabas.



"Huwag kang maniwala kay Xanthe, nang go-goodtime lang 'yan. Matakot ka kung malate ka sa oras na pinatawag ka niya. Patay ka talaga." Sabi niya kaya dali dali naman akong pumunta sa kanyang office pero bago ako makaalis ay narinig ko ang hagikhik ni Xanthe.

Elegent Academy (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon