Chapter Fifteen: Important Thing

4.4K 187 3
                                    


Chapter Fifteen: Important Thing


Nimphane's POV



"Ang cool ng  mga weapon na'tin 'no?" Sabi ni Cherlindrea habang manghang mangha na tinititigan ang kanyang double axe. Napangiti ako habang tinignan siya. Binaling ko ang tingin ko sa sariling weapon ko. Kumikinang ang tubig na pumapalibot sa sandata. 



Binuhat ko si baby Axria sa gilid ko at pinahiga sa hita ko. Medyo mabigat na 'rin ito dahil lumalaki narin. Nagiging matured na 'rin ang mga hulma niya sa katawan. Marami na 'ring tricks ang natutunan ni Axria katulad ng kaya niyang gumawa ng water blades gamit ang buntot niya.



Kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa sa sala ng dorm namin. Magkaharap kami ni Cherlindrea habang si Gaius at Ji ay mukhang seryosong nag-uusap. Biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito si head mistress. Napatayo kami bigla. Bakit ba palaging pasulpot sulpot si head mistress?Maging si Feunus ay ganon 'rin.



"I know this is very urgent and this time is your time to relax and rest pero I have an emergency mission for the four of you." Seryosong sabi ni head mistress habang sinira ang pintuan.



"What is it?" Sabi ni Gaius na seryoso 'rin ang mukha. Pati si Ji ay naging seryoso narin ang mukha maging si Cher 'rin. Nagiging ganito ba sila kapag may binibigay na mission sa kanila? Or should I say sa amin na.



"Do you know Zord the Gray?" Tanong sa amin ni head mistress. Sino si Zord the Gray?



"Yes, he is the powerful and well-known wizard in Lyari." Sabi ni Ji habang seryoso parin ang kanyang mukha. 



"Wait? Lyari?" Pagsali ko sa usapan nila. 



"Metropolis is the heart of Elementia. Metropolis has four cities namely Lorathyria in the North. Daervan in West. While in the south, there are twin cities; the Soralia and Solacia. Lastly, in the South is Lyari where Elegent Academy is located." head mistress explained. Napa dilat ako ng mata sa nalaman. All this time nasa Lyari na pala ako? Tsaka may apat na siyudad pala ang Metropolis? Hindi ko alam 'yon ah.



"Pero sa Metropolis ako nakatira. Paano ako nakarating ng Lyari?" Naguguluhang tanong ko.



"Call of Destiny, Nimp. If the Lords wants you, they'll find ways." sagot ni head mistress. May katanungan pa sa isip ko pero pinili ko nalang na itikom ang bibig ko.



"May ibibigay raw siyang mahalagang bagay at kailangan nating makuha iyon agad o ang Dark Element Controller ang makakakuha 'non. Nagsisimula na silang kumilos kaya dapat na tayong magmadali." Paliwanag ni head mistress. Bakit hindi ako makasali sa pinag uusapan nila. Feeling ko na o-OP ako.

Elegent Academy (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon