Chapter Thirteen: Practice Battle

5K 209 4
                                    

Chapter Thirteen: Practice Battle



Nimphane's POV



Pagkatapos ng tawanan namin ay agad akong nagpaalam sa kanilang dalawa na mag c-cr lang ako dahil tinawag na ako ng kalikasan. Pagdating ko sa cr ay dali dali akong pumunta sa isang cubicle para magbawas. Pagkatapos kung magbawas ay agad akong bumalis sa cafeteria.



"Huwag kang lalapit sa akin Nimphane ha! Kadiri ka!" Sabi ni Cherlindrea habang umaarte na nandidiri sa akin kaya inikutan ko siya ng mata.



Umupo na ulit ako. Habang silang dalawa ay patuloy lang sa pagkain at sila lang 'din ang naguusap. Napatawa nalang ako dahil sa naisip ko. May iba kasi sa pagtitinginan ng dalawa. Halatang nagtataguan lang sila ng feelings.



Hindi naman pwedeng mag first-move si Cherlindrea kasi babae siya tapos si Ji naman napakatorpe. Makikita mo kasi kapag sinasaktan siya ni Cherlindrea nakangiti lang siya at parang nasasarapan pa sa mga palo ni Cherlindrea.



"Missh Triton." Bumalik ako sa wisyo ng may tumawag sa pangalan ko kaya hinanap ko kung sino.



"Eshcushe me Missh Triton." Nanggaling ang tinig sa ilalim ng lamesa kaya tiningnan ko. Nabigla naman ako ng makakita ako. Isang Dwarf.



"Yes?" Tugon ko sa kanya.



"Pinapatawag po kayo ni head mishtressh.Ngayon na po." Sabi niya habang aligaga na palakad lakad. Binuhat ko siya at nilagay sa taas ng lamesa.



"Daga!!!" Sigaw ni Cherlindrea pero tinakpan naman agad ni Ji ang bibig niya.



"Isang Dwarf 'yan Cherlindrea!"Sabi ni Ji sa kanya kaya napakagat labi siya at nagsabing "Sorry.".



"Sino ka?" Tanong sa kanya ni Ji.

Elegent Academy (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon