Chapter Ten: Sauron

5.8K 226 9
                                    

Chapter Ten: Sauron



Nimphane's POV



Ilang linggo na ang nakalipas at ang mga araw ay mabilis na gumagalaw. Normal lang din naman ang takbo ng buhay ko dito. Napagtanto ko rin na mas mahirap pala ang mga subjects ng royalties kesa sa normal students dito.



Alam niyo ba kung ano ang subjects namin? Training! Whole day training! Pero matatapos na raw ang training namin ngayong araw. Magbabago narin daw ang mga subjects namin. Ewan ko ba kay head mistress kung bakit ganito ang pinapagawa sa amin. Wala rin kaming proper lectures.



Lumabas ako ng comfort room na nakasuot lang ng towel. Bagong ligo lang kasi ako. Pero nagulat ako ng bukas ang TV ko. May sarili kasing TV ang mga royalties every room nila.



Sino naman ang papasok dito? Possibleng si Cherlindrea pero nasa Cafeteria siya ngayon kasama si Ji eh. Hindi'rin naman pwede si Baby Araxia dahil hindi naman siya marunong magbukas ng tv eh.



Tiningnan ko si Araxia sa higaan at napangiti ako dahil mahimbing ang tulog niya. Magmula ng maibigay sa akin si Araxia, mabilis na siyang lumaki. Palagi niyang kinakain ang pagkain ko sa hapag kainan kaya napapagalitan ako ni Cherlindrea eh. Nauubos daw ang bigas namin.



Nagbihis na ako at sinuklay ang buhok ko. Sinuot ko ang skinny jeans at kulay puting sando lang. Naka tsinelas lang din ako total dito lang naman ako sa dorm magdamag. Pagkatapos 'kong magbihis ay lumabas ako ng room papuntang kusina. Kumuha ako ng gatas sa ref at sinalin ito sa baso.



Akmang iinumin ko na ito ng may kumatok sa pintuan. Bumuntong hininga ako bago inilapag ang baso ng gatas.



Dalidali 'kong binuksan ang pintuan at tumambad sa akin si Devine at Xanthe na nakangisi.



Oh my God!



"Hi Nimp!" Sabay nilang sigaw at nagyakapan kaming tatlo. Kumalas naman ako sa pagkakayakap at pinapasok sila sa loob.Pinaupo ko sila sa sofa at pumunta ako sa kusina. Sinalinan ko rin sila ng gatas sa baso at dinala ito sa kanila.



"Kumusta kayo?" Tanong ko sa kanila habang dahandahang inilapag ang dalawang baso ng gatas sa mini table sa sala.

Elegent Academy (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon