Chapter Nineteen: The Missing Piece

3.8K 156 4
                                    


Chapter Nineteen: The Missing Piece




Nimphane's POV




"Are you okay?" Tanong ko kay Isabeau habang umiinom ng juice. Nandito kami ngayon sa Cafeteria. Binaba niya naman ang kanyang baso ng juice at nag buntong-hininga. 




"Yes, thank you." Sabi niya at uminom ulit ng juice. Mabait naman pala si Isabeau eh. Pero parang may nararamdaman akong kakaiba, parang may mali.




"Bakit mo siya kasama,Nimp?" Tumingin ako sa right side ko at nakita ko si Xanthe at Devine na nakataas ang kilay habang nakatingin ng masama kay Isabeau. Nakatingin naman si Isabeau sa kanilang dalawa na parang nagtataka sa inasta ng dalawa.



"Friends na kami." Prenteng sabi ko habang tingin parin sa kanilang dalawa.




"Friends? Eh napaka maldita ng babaeng 'yan eh! May kasalanan kapa sa akin na bruha ka!" Medyo pasigaw na singhal ni Xanthe at akmang susugurin ito pero pumagitna ako sa kanila.




"Just forgive her okay? Let's give her a chance para magbago. Hindi naman masamang magbago di'ba?" Sabi ko sa kanila at tumingin kay Isabeau. Napaka amo parin ng mukha niya.




"Fine!Siguraduhin mo lang na magbabago ka. Kung hindi ako mismo ang kakalbo sayo." Kalmadong sabi ni Devine pero inikutan niya ito ng mata at tumabi sa akin sa pag upo. Nasa magkabilang side ko nakaupo si Xanthe at Devine at nasa harap naman namin si Isabeau. Biglang naghari ang katahimikan. Nakaka binging katahimikan. Kaunti lang kasi ang estudyante ngayon dahil may mga pasok at hindi pa sila masiyadong nag-uusap.




"Alam niyo, try niyo kaya mag-usap." Pagbabasag ko sa katahimikan. Nakabingi na kasi mukhang babasagin pa ang eardrums ko ng katahimikan.




"So, anong plano mo? Bakit ka nakipagkaibigan kay Nimphane" Sabi ni Xanthe habang nakatingin kay Isabeau sabay binagsak ang kamay sa mesa.




"Plano? Wala akong masamang plano, gusto ko lang talagang makipag kaibigan dahil niligtas niya ako kanina." Sabi ni Isabeau at binagsak rin ang kamay niya sa mesa, nakipaglaban ng titigan kay Xanthe.




"Friendship? Eh di'ba introvert ka? Hindi ka nga nakikipag kaibigan sa ibang studyante dito sa rito tapos biglang friendly ka na kay Nimphane? I smell something fishy." Nakataas ang kilay ni Devine habang naka pameywang at naka tingin kay Isabeau.




"Itigil niyo yan." Putol ko sa kanilang pagbabangayan.




Xanthe rolled her eyes. Hindi rin nagpatalo si Isabeau at gumanti. Sabay silang pabagsak na umupo at tingin sa ibang direksyon.




"Alam niyo ang o-OA niyo. Kayong dalawa." Sabi ko sabay turo kay Xanthe at Devine.




"Pagbigyan niyo naman 'yung tao. Kayo na rin ang nagsabing walang kaibigan si Isabeau di'ba? Baka tayo na 'yon." Sabi ko sa dalawa at tinuon ang tingin kay Isabeau.




"Ikaw naman," Tinuon ko ang tingin ko kay Isabeau.




"Matuto kang magpakumbaba, matuto kang gumalang. Even though your rank is higher than them doesn't mean you can step on them. We should learn to respect everyone." Dagdag ko pa. Tumango ito bilang tugon.




"Alis na ako." Sabi ko at umalis ng walang paalam sa kanila. Rinig ko ang pagtawag nilang tatlo sa'kin pero hindi ko 'yon pinansin at patuloy lang sa paglakad. Ramdam ko naman na nakasunon si baby Axria sa likod ko.




Elegent Academy (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon