Chapter Twelve: Mekeni Spell

5.2K 210 11
                                    


Chapter Twelve: Mekeni Spell



Nimphane's POV



Matapos akong kumain kasabay silang tatlo ay agad akong bumalik sa kwarto ko. Iba kasi ang nararamdaman ko kapag malapit ako kay Gaius. Parang ano? Binagsak ko ang katawan ko sa kama habang iniisip na naman ang nangyari kanina lang.



Dapat umarte ka ng normal lang ang nararamdaman mo Nimphane. Keep calm ok? Huminga ako ng malalim at tumingin sa bubong ng kwarto ko.Dumagdag pa sa problema ko si Cherlindrea eh.



Habang kumakain kami ay panay tingin niya sa akin habang sinasambit ang 'Sauron' ng walang tunog na nagmumula sa bibig niya. Tiningnan ko si Baby Axria, bakit ba panay ang tulog niya?Wala naman siyang ginagawa pero, para siyang tamad. Pero ang cute cute niya talaga eh, lalo na sa kulay niyang blue at ang buntot ng isda.



Tumayo na ako sa pagkakahiga at pumunta na sa cr para mag half bath. Pagkatapos kong mag half bath ay agad akong humiga at niyakap ang aking unan. I want to sleep now.



"Goodnight Baby Axria." Sabi ko at ipinikit na ang mata ko para matulog.



***



Hinimas ko ang aking ulo dahil sa lecture na tinuturo ng proff namin ngayon. Its all about riddle!Hindi ko gusto ang riddles no! Naiimbyerna ako kapag may nakikita akong ganyan.



"Who wants to answer a riddle?" Tanong ng proff namin ng matapos siya sa pagdidiscuss. Dahan dahan ko namang tinago ang ulo ko sa likod ng librong hawak ko ngayon pero hindi talaga ako nakatakas.



"Can you, Ms. Triton?" Turo niya sa akin kaya utomatikong tinaas ko ang ulo ko.



"Uh? Yes miss?" Sabi ko kaya ngumit ito sa akin."Great." Sabi ni Proff sa akin.



"Arrange this 1 word into 3 words. DICTIONARY." Paliwanag ng proff kaya napaisip ako. Into 3 words?



"Clue: Bank keep it. Rich hate it. Sick dont touch it. Poor have it."Dagdag pa ni proff. Tini gnan ko naman so Cherlindrea para sana humingi ng tulong pero hindi ito nakatingin sa akin. Tumingin naman ako kay Ji pero kagaya ni Cherlindrea ay hindi rin ito nakatingin sa akin. Naisipan kong tumingin kay Gaius at saktog nakatingin rin siya sa akin.

Elegent Academy (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon