Chapter Seven: Complete

7.1K 253 17
                                    


Chapter Seven: Complete


Nimphane's POV


Iniba ko ang pwesto ng pagkakahiga ko para makatulog ulit pero ayaw na talaga ng katawan ko. Naramdaman ko ang sikat ng araw na nagmumula sa bintana na dumadampi sa mukha ko pero gusto ko pa matulog. Ilang minuto pa ang nakapikit ng mapagpasiyahan kong gumising at tumayo na.



Papikit pikit pa ang mata kong tinahak ang daan papunta sa banyo. agad kong naghilamos at tuluyang minulat ang mga mata ko. Laking gulat ko ng mapagtantong hindi ganito ang banyoko. kaninong banyo to?



Inilibot ko ang paningin ko. Nasaan ako? Oh my god, kinidnap ba ako para palimusin sa kalye?O kukunin ang mga organs ko para ibenta.



Naalala ko ang nangyari kagabi. Shit, anong nangyari kagabi? Inimagine ko ang nangyari kagabi. Napatakip nalang ako ng bibig dahil sa nagawa ko.Totoo ba na nangyari yon?



Sinampal sampal ko ang mukha ko pero ganon parin ang iniisip ko. Am I the . . . water goddess? Biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito ang babaeng kulay asul ang buhok. If I'm not mistaken she is Cherlindrea.



"Hi! Gising kana pala pero bakit ka nakaupo sa sahig?" Naghihesterical siyang lumapit sa akin at pinatayo ako.



"Alam mo ba na ang ang sahig ay may 90% germs? Kapag umupo ka diyan ng higit five seconds lang ay maaari kang magkasakit?" Paliwanag niya pa habang dinuduro duro pa ako.Napatawa nalang ako ng mahina.



"Huwag kang mahiya sa akin. Walang nagkakahiyaan sa mga magagaganda katulad natin, pero mas maganda ako sayo." Sabi niya sabay flip-hair. Tama nga ang pagkakadescribe nila Devine at Xanthe sa kanya.



"Halika sa baba, papakilala kita sa kanila." Hindi na niya ako hinintay sumagot dahil kinaladkad naniya ako pababa. Grabe naman ang pagka hyper ng babaeng ito.



Pagdating namin sa baba ay nakaupo lang ng prente si Ji sa couch habang nagbabasa ng magazine.



"Hi Ji! Gising na siya!" Sigaw niya kay Ji. Ngayon ko lang nakita na naka headphones pala siya. Mukhang nainis naman si Cher dahil kumuha siya ng unan sa sofa at inihampas ito kay Ji. Napakamot ng ulo si Ji habang kinukuha ang headphones.

Elegent Academy (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon