Chapter Twenty-Three: Elysiana

3.4K 119 5
                                    

Chapter Twenty-Three: Elysiana




Nimphane's POV




The last lone shooting star has fallen. This idea has been on my mind the whole night that makes me awake up until now. I mean who would've thought that it'll really happen. Hindi ko naman sinasabing hindi totoo ang mga ganito pero madalang.




Siguro ay alam na ni Gaius na may mangyayaring ganito. Kung ikaw ba, susugal ka'ba sa mga bagay na alam mong once in a blue moon lang kung mangyari? Kung totoo mang alam niya, maduga siya.




I heaved a deep sigh and leave my bed. Bumaba ako para kumain ng kung ano dahil tumutunog na ang tiyan ko. Madilim ang paligid kaya dahan dahan lang ako sa paglakad dahil baka matumba o madulas ako ng hindi oras.




Pagdating ko ng kusina ang laking gulat ko na nandito rin si Gaius, umiinom ng gatas. Agad akong nagtago ng walang rason para hindi niya makita. Pero bakit ba ako nagtatago?




"Nakikita kita." he said.




Napakamot ako ng ulo at pumasok na sa kusina. Tahimik lang akong binuksan ang ref at kumuha ng makakain. Aalis na agad sana ako ng bigla siyang magsalita.




"Can't sleep?" he asked.




Humarap ako sa kanya pero agad din na umiwas ng tingin ng makita kong naka topless lang ito.




"Susmaryosep naman Gaius, hating gabi naghuhubad ka." Sabi ko habang nakatingin sa ibang direksyon. I heared his soft laugh that makes me frown. What so funny?




"You're not answering my question." he said.




"Hindi." tipid na sagot ko.




"Why?" tanong niya ulit. Ang dami namang tanong 'to. Pero nakakapanibago, dahil ang Gaius na kilala ko ay tahimik.




"Insomnia. Pwede na ba akong umakyat?" sabat ko naman. Gusto ko ng umalis dito, ang awkward na ng atmosphere.




"About the—, nevermind. Goodnight." he said. Nauna na siyang umakyat kaya sinundan ko siya ng tingin. Nakasuot na ito ng sando. Siguro ay itatanong niya 'yong shooting star. I know, deal is a deal.




Umakyat na rin ako ng kwarto. Matapos kong kainin ang dala kong pagkain ay nakaramdam na ako ng antok kaya natulog na ako.




Pag gising ko ay agad akong nag ready na dahil Monday ngayon, may pasok na. Pagtapos kong magbihis ay diretso na ako pababa. Nadatnan ko si Ji at Cherlindrea na kumakain.

Elegent Academy (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon