Chapter Fourteen: Elemental Weapon

4.6K 175 3
                                    


Chapter Fourteen:Elemental Weapon



Nimphane's POV



Napakamot ako sa ulo ng marinig 'kong may kumatok sa pintuan ng aking kwarto. Anong oras palang ah! Pinabayaan ko lang iyon at nagpatuloy lang sa pagtulog dahil madaling araw palang at pagod 'rin ang aking katawan dahil simula 'nung Practice Battle namin ay araw araw na ulit ang aming practice.Akala ko ga wala ng practice eh.



Mawawala na sana ang kaluluwa ko sa katawan pero bigla itong bumalik dahil mas lumakas pa ang katok sa pintuan. Padabog akong tumayo at binuksan ang pintuan.Tumambad sa akin si Cherlindrea na nakataas ang kilay.



"What?"Iritang tanong ko sa kanya.



"Alam mo ba na 3 am na?" Tanong niya sa akin.Oo alam ko. Madaling araw palang.



"Yes, and that time is time for beauty rest and sleeping, Cher. Why are you bothering me?" Antok na tanong ko ulit sa kanya.



"Beauty rest? Sleeping? Alam mo ba na 3:15 ang training natin ngayon? At late na tayo!" Medyo pasigaw na sabat sa akin ni Cherlindrea kaya natigilan ako.



Bigla akong tumakbo diretso sa cr at agad agad na naligo. Pagkatapos kung maligo ay sinuot ko ang uniform ko at bumaba. Dumapo naman si Baby Axria sa balikat ko kaya nginitian ko lang siya. Pagbaba ko ay naka halupikpik si Cher at Ji at nakatingin sa akin habang si Gaius naman ay nakatingin sa kawalan.



"Ilang minuto na tayong late. Tayo na." Sabi ni Ji habang si Baby Tyre ay natutulog sa balikat niya.Tumango naman ako at nagsimula ng maglakad. Paglabas ko ng dorm ay madilim pa at kaunti palang ang estudyanteng nasa labas ng kanilang dorm. Maaga pa naman kasi.



Dumaan kami sa shortcut papuntang Illusion Gym. Pagdating namin doon ay nandun na si Feunus. Himala wala si head mistress. Baka tulog pa. Lagi kasing kasama si head mistress kapag nagpapractice kami at nanonood lang.



Nasa tabi ng mahabang cartridge si Feunus. Ano kaya ang laman ng cartridge.



"Good Morning Feunus." Sabay na bati namin ni Cherlindrea at Ji pero si Gaius ay diretso lang umaupo sa gilid. As always.



"You're late! 20 minutes and 2 seconds." Nakataas ang kilay na sabi sa amin ni Feunus. Here he goes again.



"Nevermind. By the way,maaga ko kayong pinatawag dahil may ibibigay ako sa inyo.Sabi ni Feunus at sabay bukas ng cartridge at tumambad sa amin ang mga weapons kaya napa 'woah' ako dahil sa mangha. Sinenyasan naman ni Feunus ang mga baby Lion namin na pumunta sa gilid. Utomatiko namang kumaripas papunta sa gilid ang naming mga baby lion. Kunsabagay, pwede naman nilang kontrolin ang mga baby Llion dahil sila naman siguro ang nag crossbreed sa kanila.



"Pumili kayo ng isa." Sabi ni Feunus.Lumapit si Gaius at kinuha ang malaking espada at tinesting ito. Kinuha naman ni Ji ang Crossbow at gaya ng ginawa ni Gaius ay tinesting niya rin ito.



Kinuha naman ni Cherlindrea ang Double Axe at gaya ulit ng dalawa ay tinesting niya rin ito. Pumili ako sa mga weapons at napili ko ang Bow and Arrows. Isa rin pala akong  archer sa school ko sa normal world and I'm the representative in National Team of Philippines.



"Great! Lahat ng kinuha niyo ay ang mga Class A weapons." Nakangiting sabi ni Feunus.



Tumango naman kami at tinesting ulit ang mga weapons namin.



"That weapons are called Elemental Weapon." Sabi ni Feunus ulit habang kami ay nakapokus sa weapon namin.



"You can connect your Elements in the weapon." Dugtong niya kaya napatigin kaming apat sa kanya.



"How?" Sabay naming apat na tanong.



"Patakan niyo lang ng dugo ang inyong weapon." Sabi niya kaya sinunod namin iyon. Ginilitan ko ang kamay ko gamit ang dulo ng arrow. Napasinghap ako dahil sa sakit.




Dahan-dahang pumatak ang isang butil ng dugo sa pana at bigla itong nagliwanag. Napangiti naman ako ng mapagtanto ko na kumonekta na nga ang kapangyarihan ko sa pana. Nararamdaman ko na sa aking loob.



Pinahidan ko na ng tela ang aking sugat at tinakpan ito. Napakahapdi parin pero makakaya ko naman na indahin ito.



"In order to connect to it. Dapat i konekta mo rin ang puso at isip mo sa weapon." Sabi ni Feunus. Ikonekta ang isip at puso sa weapon.



Pinikit ko ang mata ko at dinama ang kapangyarihan ko. Naramdaman ko naman agad ang ginaw sa aking loob. Ramdam ko na ang tubig sa aking katawan. Ng maramdaman ko na ang aking kapangyarihan ay kinonekta ko agad ang kapangyarihan ko sa pangang hawak ko. Ramdam ko na dumadaloy mula sa center ng katawan ko dumaan sa mga kamay ko papunta sa pana.



Binuksan ko ang mata ko at mabigla ng may pumapalibot na tubig sa pana ko kaya napangiti ako. Naging tubig na hugis Arrow naman ang bala ng aking pana. 



Nakita ko ang espada ni Gaius na umaapoy. Ang Double Axe ni Cherlindrea na lumilitaw at kinokontrol niya sa himpapawid, at ang Crossbow ni Ji na ang bala ay arrow 'rin na mga bato.



"Iyon lang naman ang aking kailangang ibigay sa inyo. Wala munang training ngayong araw.Have some rest." Sabi ni Feunus at naglaho na bigla.



Hanggang ngayon ay mangha parin ako sa bagong weapon namin. This is so cool and extra-ordinary. Pero lahat naman dito extraordinary eh.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Elegent Academy (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon