Chapter One: Nightmare

14.3K 432 111
                                    


Chapter One: Nightmare


Nimphane's POV



Nagising ako dahil sa isang napakalakas na kulog. The rain is so heavy that my body starts to tremble.



Nagtago ako sa loob ng aking kumot at ipinikit ang mga mata ko.Nagtago lang ako hanggang sa humupa ng unti unti ang ulan.



I sighed in relief ,thank God it's over. Lumabas na ako sa kumot ko. Tumayo at lumabas ng kwarto.Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig.Nakasanayan ko na kasi na kapag nagising ako ng hating gabiiinom ako ng isang baso ng tubig.



Nasa hagdan palang ako ng may marinig akong kaluskos sa kusina at bukas ang ilaw.



Akala ko noong una ay sila daddy or mommy lang pero habang papalapit ako ay parang may mali sa kaluskos na naririnig ko. Sumilip ako sa kusina at laking gulat ko nang may dalawang lalaking nakakakulay itim at naka cape sila. Parang may hinahanap sa kusina. 



Biglang may tumakip sa bibig ko at kinaladkad ako papunta sa likod ng hagdan. Nilingon ko ito at nagulat ako na si mommy pala ito.



Pero laking gulat ko ng makita ko ang mga dugo sa damit niya.Hawak niya sa kanang kamay niya ang tinatago ni daddy na double-action revolver. Suminyas siya na tumahimik lang ako kaya tumango ako.



Umiiyak sa mommy habang nakayakap sa akin. Kumunot ang noo ko sa inaasta niya.Ano ba talaga ang nangyari?



Is it a robbery or someone attempts to kill us?



Nakita ko na lumabas sa kusina ang dalawang lalaki at tumungo papunta sa ikalawang palapag ng bahay.



Nang makalayo na ang dalawang lalaki, hindi na pinalagpas ni mommy ang pagkakataon. Lumabas kami ni mommy sa likod ng hagdan at tumakbo palabas ng bahay.Grabe na ang pag-iyak ni mommy pero kunot noo parin akong nakatingin sa kanya habang umiiyak.



Nagtago kami sa likod ng malaking puno sa likod ng bahay.

Elegent Academy (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon